Chapter 3

19 1 2
                                    

This chapter is dedicated to double_mintose15

••••••••••



CHAPTER 3.
Insane



“Salamat talaga Ms. Hintoki. Kahit pa sa simpleng bagay na ganito, I know na meron ka ring malaking gagampanan dito,” Mr. President said once again.

“I said it’s okay, sir. And I think it’s too early to thank me. For now, let us find the money and the lists first.”

Medyo naiinis na nga ako kay President dahil kanina niya pa ako pinapasalamatan. Kaysa maging masaya ako dahil nakakatanggap ako ng maraming pasasalamat galing sa kanya ay naiinis na ako. Sobrang dami kasi tapos paulit-ulit pa kaya parang nakakatulig na.

Atsaka sa tingin ko rin, hindi ko ’yon deserve. Malay ko ba naman kung makatulong ako sa kanila o baka maging pabigat lang ako ’di ba? Kasi first of all, it’s not really my intention to help them nor find that envelope containing the schools’ fund and such. It was just an accident.

Ni hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag na tulungan sila dahil palagi naman akong walang pake sa paligid. Lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Kasi ’lagi kong iniisip na ‘bakit ko sila tutulungan sa problema nila eh hindi rin naman nila ako tinutulungan sa problema ko?’ which is true naman.

Wala palaging dumadamay sa akin kapag may problema ako.

I always solve problems all by myself.

No one takes the risk to be with me to solve these problems.

Yes I know hindi nila iyon malalaman dahil hindi ko naman sa kanila sinasabi pero kailangan ba talagang sabihin pa ’yon nang direkta? Kailangan pa bang ipagsigawan sa kanila na ‘hoy kailangan ko ng karamay, damayan niyo naman ako!’? ’Di ba may kasabihan naman na action speaks louder than voice, kaya bakit hindi pa rin nila ’yon maintindihan just by basing on how I behave?

Hindi nila nakukuha ang gusto kong iparating sa kanila na kahit pa sabihin kong lumayo sila ay kabaliktaran nun ang gusto kong mangyari.

And that’s what I marked in my mind.

So after that, I didn’t give a damn to help them either.

But now? I don’t know why I agreed to help them. And take note, I did that voluntarily. So I ask myself, why?

Pero wala na akong magagawa. Hindi ko na ’yon pwede pang bawiin dahil totoo ako sa mga binibitawan kong salita. And even if I like it or not, I’ll stand for it.

Besides, just a half part of me is begging to disagree with that decision. And I don’t know the reason why the other half is agreeing here.

This is insane.

Nagpaalam na si Mr. President sa akin pagkatapos nun. Sabi niya pa bago siya umalis na tama raw ako dahil hindi pa naman daw namin masasabi ang future, but still he thanked me for the nth time.

Sabay na silang umalis ni Dandrei noon but before they left, Dandrei gave me his genuine smile that has a meaning. I didn’t smile back because first of all, I am not giving my precious smile to some random guy out there.

Yes. He’s just a random guy. A random guy that I'm curious of.

Pagkalabas nilang dalawa ay doon sinabi sa akin ni ate Lil na tama raw ang ginawa ko para daw mapalapit ako kay Dandrei. Kilig na kilig pa siya nun. Sabi niya pa, mas mapapalapit daw kami niyan sa isa’t isa at makikilala na rin daw ako ni Dandrei. Doon na raw mag-uumpisa ang love story namin. I just rolled my eyes on her before I leave her laughing at the top of her lungs.

That Beautiful Nightmare (paused)Where stories live. Discover now