Chapter 5

5 0 0
                                    



CHAPTER 5.
Hell

He said that he’s proud of me. But I don’t really understand him for that.  Saang anggulo naman siya magiging proud sa akin? And how can he say those words despite of what he did to me?! Napakalaki ng kasalanan niya sa akin. That’s why hindi na talaga ako nakapagpigil kanina.

Bago pa nga ako pumasok sa loob ay narinig ko pang nagbulung-bulungan ’yung mga bisita. Na kesyo ang sama ko raw talaga dahil inaway ko pa ’yung lalaking nakahanap ng school’s fund namin kahit wala naman daw ’yon na ginagawa sa akin. Marami pa nga akong ibang narinig na bulungan nila pero lahat naman ’yon ay isa lang ang pinapanigan, at ’yon ay ang Dandrei na ’yun. Now, I’m the bad guy. Kungsabagay, it’s always been me who’s the bad guy. They judge me without knowing the whole story, mga judger. But the hell I care if they judge me? Wala naman silang dulot sa buhay ko.

Ngayon naman ay naririnig ko si daddy na tinatawag ako pero hindi ako tumitigil sa paglalakad. Isa pa 'tong si dad na dagdag sa isipin ko. Pero bahala siya d’yan. I’m really mad this time at mas pipiliin ko na lang na magkulong muna sa kwarto kaysa huminto sa paglalakad at makipagtalo sa kanya. Ayoko na lang makipag-away dahil baka makapagsabi pa ako ng kung anong masama.

Besides, there’s no sense of arguing with dad because I never win whenever we fight. Hindi naman sa ako ang laging mali kaya hindi ako nanalo sa amin, kundi dahil dapat siya ’lagi ang tama. Our fight won’t stop unless I surrender. And whenever I surrender, I swear I’m already really irritated to him so I just choose to let him win. Paulit-ulit lang kasi kami niyan ni dad kasi paulit-ulit niyang ipipilit ’,yung punto niya. So what’s the point right?

Pagkadating ko sa kwarto ko ay agad kong nilock ang pinto at ibinagsak ang sarili ko sa kama. Bahala na kung ifreeze man ni dad ang credit cards ko. I know galit na galit ’yan sa ’kin. Napahiya ba naman kasi sa mga kabusiness partner niya after niyang linisin ’yung pangalan ko. Pft, ironic. He will appear as a trying-hard liar to them. But surely, he will create a story again about it so that his name will be cleaned again.

“I will freeze all your cards, Yanalyn. Prepare to get your own life now.” I heard dad’s voice from the door before I heard some footsteps walking away. I just bitterly smiled. Fck. I knew it. He won’t hesistate to give the hell to his own daughter. Tsk.

All thanks to Dandrei.

—————

I opened my eyes when I felt the sunlight touching my skin. Parang masyado na kasing mainit sa balat ’yung sinag ng araw. Anong oras na ba?

Kahit ayoko pa ay bumangon na ako habang nakapikit pa rin para kapain ’yung alarm clock sa side table ko. But after some minute, I still can’t reach the clock. Pucha naman oh!

Kaya kahit tinatamad pa ako ay dinilat ko na ang mata ko and surprisingly, I found nothing on my table. So where the hell is that clock? As far as I remember, pinalitan naman ng maid namin ’yung isang hinagis ko na alarm clock, so where the fck is it now?! Hindi ko tuloy makita kung anong oras na. Sa phone ko na nga lang titingnan ’yung oras.

I was about to get off the bed when I noticed that I'm still on my dress last night. Mukhang nakatulog na lang ako sa sobrang inis kagabi. Hays.

Tuluyan na akong tumayo at pumunta sa study table ko para kunin ang phone ko kaso natigilan ako nang makitang wala ni isang gamit sa study table ko. ’Yung mga display doon—’yung table calendar, ’yung book organizer ko, basta lahat ng nakalagay dun, wala! Okay, what the hell is happening?!

That gives me one thought so I just suddenly look all over my room. And fck, tama nga ang nasa isip ko. Wala na lahat ng displays sa kwarto ko. Even some of my appliances, wala na. Para akong ninakawan dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Beautiful Nightmare (paused)Where stories live. Discover now