Chapter 1: The disaster day

68 7 0
                                    


Chapter 1. The disaster day


ALAS ONSE ng gabi, sa may madilim na parte ng gilid ng kalsada sa Santo Rosario street. Ay may tatlong sports car ang nakaparada habang may anim na mga kalalakihan ang nakasandal sa kanilang sasakyan at naghihintay ng maigi.

"Ang tagal naman ng leon na yon," Sabi ng isa sa mga kalalakihan, habang humihithit ng sigarilyo.

"Maghintay nalang tayo, baka darating na 'yon," wika din ng isang lalakeng may maraming tattoo.

"Hindi na talaga ako makapaghintay, namapatay ang matapang na 'yon, gamit ang tubo na 'to," Nakangising ani ng isang lalakeng may maraming hikaw sa tainga, habang hinaplos-haplos ang tubo na kanyang hawak.

"Pero ako muna ang unang sasapak sa mukha ng matapang na leon, kaya kayo boys, resback lang kayo, malakas pa naman ang taong 'yon,"
Seryosong sabi ng lalakeng, may piklat sa mukha, at muk'ang leader sa porma nito.

"Pero boss Hepolito, darating pa kayo 'yon, oh, baka naduwag na 'yon at hindi na susulpot," Katwiran ng isa sa mga kalalakihan habang may dalang lubid.

"Darating 'yon, sa tapang ng leon na 'yon. Siya nga ang may gawa ng piklat sa mukha ko, kaya dapat lang siyang gawan ng leksyon!" Galit na sigaw ni Hepolito, habang hinawakan ang kanyang piklat sa mukha.

Maya-maya lang ay may isang tunog ng papalapit na motorsiklo, nasilaw ang mga kalalakihan dahil sa liwanag na dala nito.

"Brooooooommm!!!!"

Pumarada ito sa harapan ng mga kalalakihan.

"Na-late naba ako?"

Maangas na tanong ng isang babae, habang may ngisi sa mga labi. Bumaba ito sa motorsiklo at tinanggal ang helmet na suot nito. May suot itong puting hapit na sleeveless, habang tinabunan naman ng isang itim na leather jacket, at hapit din na itim na pantalon, nakasuot din ito ng itim na gloves with matching brown flat boots, habang nakaponytail ang mahahabang buhok nito. Nagmuk'a itong astig na babae dahil sa porma nito't suot. At hindi din maikakaila ang taglay nitong ganda.

Natahimik ang lahat ng dahil sa aura na ibinigay ng astig na babae, habang naglalakad papalapit sa mga kalalakihan. Sa galaw nito at porma, para na itong isang leon na handang kumain sa kanyang prey, ngunit nababakas padin sa ekspresyon nito ang pagka-kalmado at walang takot.

"Oh, Hepolito ang tigas din ng bungo mo noh? Piniklatan na nga kita sa mukha, gusto mo padin ng isa o maraming piklat," natatawang sabi ng astig na babae. Ang pananalita nito ay, kalmado pero nakakatakot.

"Hindi ka parin nagbabago, Mariz.
Nagtataka ka ba, kung bakit ko alam ang pangalan mo? Hahaha, hindi ko nalang sasabihin sayo kung bakit. Sa ngayon sisiguruduhin kong ibalik ko tong piklat na ibinigay mo sa 'kin," Nakangising sabi ni Hepolito, habang may galit sa mga mata.

"Alam mo Hepolito? Wala akong pakialam, at tsaka ano pa ang hinihintay natin dito? Simulan na natin ang bloody fight! Sinayang niyo oras ko eh," Puna ng astig na babae na si Mariz. Halatang susugod na ang isa sa mga kalalakihan ng suntok sa kanya, hindi niya ito nakita dahil na sa gilid niya ang lalakeng 'to. Pero laking gulat nalang ng lahat na isinalo ni Mariz ang kamao nito, gamit ang isa nitong kamay, habang nasa harapan parin ang mga tingin ng dalaga.

The Fearless Woman (OnGoing)Where stories live. Discover now