Chapter 11: Araw ng mga puso

18 1 0
                                    

Chapter 11. Araw ng mga puso

MAHIGIT isang linggo na din ang nakalipas nang mangyari ang pagdukot sa 'kin ni Lazaro at ang pagtulong ng misteryosong lalake sa 'kin. At isang linggo nadin akong hindi pumasok sa klase.

Pero okay lang 'yon. (≧▽≦)

Dahil sa wakas nakulong na din si Lazaro. Pero alam kong hindi padin nakukuha ang hustisya  na nararapat sa kapatid ko. Dahil nagtatago padin ang mastermind sa likod ng pagpatay ni kuya Macky, kaya hindi muna ako magpakampante.

Napabalikwas ako ng pumasok si mama sa aking kwarto. Kinancel nila ang business trip nila sa Korea at umuwi dito dahil sa nangyaring pagdudukot sa 'kin.

"How do you feel anak? Okay naba pakiramdam mo?" Tanong ni mama.

"Okay na po ako," sambit ko.

"Hindi ka ba muna papasok sa school? May event daw kayo para sa Valentine's day sabi ni Mica, baka gusto mong pumunta?"

"Ah, wag nalang po, matutulog nalang ako dito,"

As if naman pupunta ako sa event na 'yon. Eh, wala nga akong alam sa mga love-love na 'yan!

"Ah okay anak, kung nagugutom kana, pindutin mo lang ang intercom dito sa gilid ng kama mo, nandiyan lang si nanay Belen sa baba."

"Okay po,"

"Sige aalis na ako anak, magreready pa kasi ako ng dress para sa date namin ng papa mo," Sabi ni mama at lumabas na ng aking kwarto. Napahiga nalang ako sabay tingin sa ceiling at napa-isip.

Ano ba 'yung love?  Hindi love ng pamilya mo at kaibigan. Kundi love ng taong nagpapatibok ng puso mo. Bakit hindi ko man lang naramdaman o naranasan 'yung true love? Hay buhay.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata para matulog nang.... Maalala ko ang cheese cake na dinala ni kuya Mike galing sa business meeting niya sa GC catering kagabi. Biglang akong nag-crave.

Omy!!! I want to eat cheese caaakee!

Nagmamadali akong bumangon at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa hagdan naming mataas at dumiretso sa kusina. Napatigil ako ng makita si kuya Mike na may dalang heart na chocolate at bulaklak.

"Para saan 'yan kuya?" Tanong ko.

"Oh, hi little sis, ibibigay ko 'to kay Zyla may date kasi kami ngayon eh, by the way okay naba pakiramdam mo?"

"Okay naman na ako kuya. Ehem... May gusto ka talaga kay ate Zyla noh? Ayieee kuya!" Asar ko kay kuya Mike sabay ayieee at sundot-sundot sa gilid ng bewang niya. Para tuloy akong tanga... --___--

"Pinagsasabi mo diyan little sis, friendly date lang ito noh, dahil Valentine's day ngayon," Sabi ni kuya habang namumula ang pisngi. Ang cuteee!

"Aysus si kuya! Friendly date daw o baka naman mauwi na 'yan sa pag-iibigan date! At bakit hindi mo na lang aminin na may gusto ka talaga kay ate Zyla! Masyadong kang torpe kuya! Hala ka baka maunahan ka ng iba diyan!"

"Tumigil ka nga diyan Mariz, hindi na ako natutuwa, sige alis na ako baka malate pa ako sa FRIENDLY date namin, bye," Sabi ni kuya sabay alis, diniinan pa talaga niya pagsabi ng friendly. Hays. Ito talagang si kuya masyadong defensive!  Halatang gustong-gusto naman. Mga lalake nga naman!

The Fearless Woman (OnGoing)Where stories live. Discover now