Chapter 9: Trouble

19 1 0
                                    

Chapter 9: Trouble

"OY, BES balita ko daw may super gwapo kayong kaklase, care to introduce to me?" Napatingin ako kay Mica na may hinalungkat sa kanyang cellphone.

"Si Zack," wala sa sariling sambit ko. Napahawak ako bigla sa 'king bibig,

Bakit ko ba binangit ang pangalan ng mokong na 'yun? Sabagay kung tatanungin, siya naman talaga ang pinaka-gwapo sa section namin.

"OMG! Alam mo ang pangalan," tinignan ko siya na ang 'stupid mo'. Nag-peace sign lang ang gaga.

"Shunga! Malamang alam ko ang pangalan mg mokong na 'yun, kaklase ko eh," Tinignan lang ako ni Mica ng pamang-uring tingin.

"Ano 'yang tingin na 'yan ha? Para kang pulis na nag-iinterview ng kriminal," Sabi ko. Aba! Hindi nagsasalita ang gaga, tinignan padin ako ng mapang-uring mata.

"Teka nga lang Mariz may hindi ka ba sinasabi sa 'kin? Base kasi sa pagtawag mo kay papa Zack, parang may pinagsamahan kayo ah, boyfriend mo na ba?" Nakangising sabi ni Mica habang may pindut-pindut pang nalalaman sa tagiliran ko. Ang bipolar ng babaeng 'to!

"Anong boyfriend? Pinagsasabi mo diyang babae ka ha? Nakasama ko lang siya nitong mga nakaraang araw, dahil sa ate niya at kuya ko, boyfriend ka diyan,"  sabi ko sabay inom ng milk tea.

Nandito kami sa mall ngayon, upang bumili ng mga materials na gagamitin sa booths para sa darating na Valentine's day. Kapagod talaga! Bakit may event pa bang ganito! Hays.

"Kung hindi mo siya boyfriend, maliban sa naging mag-kaklase kayo, ano mo siya, aber?" Usisang tanong ni Mica at ininom na ang kanyang milk tea.

"Mortal enemy," maikling sabi ko.

"Ano?" Seriously?! Bingi ba 'tong babaeng 'to?

"Sabi ko, mortal kong kaaway, bingi ka ba ha?"

"Ahh okay, pwede mo bang  i-kwento sa 'kin ang storya ng pag-iibigan niyo," Tinignan ko si Mica ng masama, tumawa lang ang gaga.

"Baliw!"

Ayon na nga, kini-kwento ko kay Mica lahat. Alam ko kasing hindi ako tigilan ng babaeng 'to, pag-hindi ko sinabi lahat. Kini-wento ko sa kanya 'yung una naming pagkakilala ni Zack. Iyong nagbanggaan kami sa corridor, 'yung pagtatalo namin sa restaurant hanggang sa pag-uwi namin, nu'ng tinitigan ko si Zack habang natutulog. At 'yung nag-babysit kami kay baby Justin. At ayon kilig naman ng kilig ang gaga!

"Kaya pala bwesit na bwesit ka kay papa Zack dahil mayabang ito?" Tanong ni Mica ng matapos akong magkwento.

"Sinabi mo pah!" Sabi ko sabay rolled eyes.

"Pero alam mo bes, kadalasan talaga sa mga mayayabang na tao, ay nagsasabi sila ng totoo, 'yun yong sabi-sabi ng iba," Katwiran naman niya.

"Talaga lang ha?"

"Oo naman, pero alam mo nakakakilig pala 'yang love story niyo ni papa Zack,"

"Anong love story? Eh, hindi nga naging kami!" Napatingin ako kay Mica na biglang ngumisi.

"Naging? You mean, may chance pa na maging kayo?" Sabi ng Gaga habang ngumingisi na naman.

The Fearless Woman (OnGoing)Where stories live. Discover now