Chapter 6: Punishment

18 1 0
                                    

Chapter 6. Punishment

NANG MATAPOS ang kasiyahan o throwing game, ay nagsi-alis nadin ang mga tao. Mag-gagabi na pala, ang bilis na oras parang ang pintig ng puso ko ang bilis. Naglalakad nadin kami patungong parking lot habang malagkit na ang suot namin dahil sa batuhan ng pagkain kanina. Tinignan ko si kuya Mike at ate Zyla na nagkwekwentuhan tungkol sa nangyari kanina, halatang masaya ang dalawa dahil hindi nila kami napansin ni Zack.

"Uy, Miss baduy."

"Ay multo!" Gulat na sambit ko, habang nakahawak sa 'king dibdib.

"Sa gwapo kong 'to muk'a ba akong multo? Ay pwede nadin 'yun, gwapong multo kumbaga, imbes na matakot ang mga kababaehan sa 'kin, sambahin pa nila ang kagwapuhan kong taglay," Pagmamayabang namang sabi ni Zack, habang ini-sway ang buhok niyang maraming spaghetti.

"Alam mo Zack the mokong? ang feelingero mo din noh," Sabi ko sa kanya.

"Alam mo Miss baduy? Hindi naman ako feelingero, sadyang nagsasabi lang ako ng totoo, gwapo naman talaga ako eh, kahit itanong mo pa kay Boy Abunda, eh marami ngang babaeng nagkandarapa sa 'kin, simula no'ng tumungtong ako ng elementary hanggang sa high school, at ngayong college na ako, eh baka nga isa ka sa kanila eh," nakangising sabi niya habang nakatingin sa 'kin. Oo na siya na kung gwapo, hindi ko naman talaga ma-itatanggi na gwapo siya, kaso nga lang mayabang naman. At ano kamo'ng sabi niya, isa ako sa mga fan girl niya, like duhh lang ha.

"Ang yabang mo talaga eh noh? At tsaka ako? Isa sa mga babaeng nagkandarapa sa 'yo, asa! Eh hindi nga kita type," sabi ko sabay cross arms at binaling ang tingin sa kalsada.

"Wag kanang magmaganda Miss baduy, alam mo bang sa lahat ng nagkagusto sa 'kin? Ikaw lang ang pinapansin ko, kaya wag kanang magpapabebe pa darling, o baka hindi mo gusto ang darling, baby nalang tawag ko sa 'yo."

"Baby mo mukha mo!" Bara ko sa kanya at aba! Tumatawa lang ang loko.

"Baby face naman talaga ang mukha ko eh," sabi pa niya habang hinahaplos ang madumi niyang mukha na napuno ng sabaw at nakadikit na pagkain.

Inirapan ko nalang siya, at ng nakasakay na kami sa sasakyan ni kuya Mike, ay tinignan niya lang kami ni Zack saglit, at pinaandar na ang kotse. Napasandal nalang ako dahil sa pagod, tahimik lang ako at tahimik lang din si Zack the mokong, siguro napagod din siya kanina. Habang si kuya Mike at ate Zyla ay nagkwekwentuhan padin. Ang sasaya talaga nila.

Pumasok kami sa subdivision nila ni Zack, at dumiretso lang si kuya sa kanilang mansion at pumarada sa harapan. Biglang lumabas si kuya at pinagbuksan ng pintuan si ate Zyla.
Liningon muna ako ni ate Zyla.

"Thank you Mariz, and I hope we will meet each other again, sorry nga pala kay Zack kanina ah," sambit ni ate Zyla.

"Walang anuman ate, at tungkol kay Zack the mokong, naku wala lang 'yon  ate, tsaka sana din magkakita pa tayo,"  nakangiting sabi ko kay ate Zyla.  Ngumiti lang siya at lumabas na ng kotse.

"Thank you Mike, and I want it to say that I enjoyed what happened earlier," rinig kong sabi ni ate Zyla kang kuya Mike. Muk'ang close na sila ah.

"You're always welcome Zyla, and me too, take care." Rinig ko ding sabi ni kuya Mike.

"Of course, take care too." Sabi ni ate Zyla. Hays, para silang mga lovebirds na nagpapaalam sa isa't isa. Para talagang may sarili silang mundo na pati si Zack the mokong ay nakalimutan ng gisingin. Yupp, tulog ang mokong. Napatitig ako bigla sa mukha ni Zack, grabe hindi ko na talaga ma-itatanggi na sobrang gwapo pala ng mokong. Mas inilapit ko mukha sa kanya at tinitigan siya. Ang amo ng mukha niya pagnatutulog, parang ang bait niyang tao.

The Fearless Woman (OnGoing)Where stories live. Discover now