Chapter 8: Mommy & Daddy to be?!

17 1 0
                                    

Chapter 8: Mommy & Daddy to be?!

WALA AKONG choice kundi pumasok nalang sa kanilang mansion. Pinapasok agad ako ng guard dahil kinausap siya ni ate Zyla bago umalis.

Tahimik ang buong unang palapag ng pumasok ako. Walang anumang anino ng tao ang nadatnan ko sa may sala at kusina. Nang may makita akong magarbong hagdan pataas, umakyat ako dito.

"Hmmm, nasa'n kaya si baby Justin at ang mokong na 'yun," bulong ko, habang nilibot ang ikalawang palapag.

"Ang dami namang pinto," Saad ko.

"Stop it baby Justine! you're messing my sala-set already! This is not a play ground!"

Nang may marinig akong ingay ng isang taong mokong na muk'ang binubungangaan ang isang bata sa may pinto na blue. Dumiretso ako dito, at walang pag-alinlangang binuksan ito.

Pagbukas ko bumungad sa 'kin ang nagkalat na sala-pillow, magazines, at iba pang gamit. Biglang napatingin si Zack at si baby Jus-

"Ang cute naman ng batang 'to!" Diretso akong pumasok sa kwarto at pinisil ang magkabilang pisngi ni baby Justin. Ang cute talagaaaa!

"Ehem... Ehem... Care to welcome? Or care to knock?" Napalingon ako bigla kay Zack na naka taas ang kilay habang naka cross arms.

Pffttt.... Para siyang bakla?!

"What the hell are you doing here?" Hindi ko pinansin ang tanong ng mokong.

Nilibot ko ang buong silid, ba't ang laki?! May sofa-set, maliit na kusina at may isang kwarto!

"Wow! Ang laki naman ng kwartong 'to, sayo ba 'to pusang may rabis?" Wala sa sariling sambit ko.

"Oo, at anong ginagawa mo sa kwarto ko, dagang may malaking ngipin?" Hindi ko nalang pinansin ang tinawag niya sa 'kin. Tinignan ko si Zack at sabay karga kay baby Justin.

"Ako," sabay turo sa sarili ko.

"Ikaw," sabay turo kay Zack.

"Kitang dalawa, ang magbabysit kay baby Justine, naiintindihan mo? Pusang may rabis," sabi ko sabay pisil na naman sa pisngi ni baby Justine.

"Tsk, bakit ikaw? I mean bakit ka nakarating dito?" Naguguluhang tanong niya sa 'kin.

"Hindi naman talaga ako magbabysit, napadaan lang ako dito sa subdivision niyo noh, kaso nakita ko si ate Zyla na muk'ang balisa, kaya nilapitan ko, at boom! Sinabihan niya ako na pwede ba daw akong magbabysit, kaya okay," Paliwanag ko.

"Hindi mo ba tinanggihan?" Hay, tanong na naman ng mokong.

"Hindi, bakit ko naman tatanggihan? Eh, ang bait nga ng ate mo sa 'kin eh, at tsaka wala na naman akong gagawin, oh ano? Okay na?"

"Hay okay, magsimula kanang magbantay kay baby Justine, pa-inumin mo ng gatas at pagkatapos linisin mo 'tong kalat, maliligo pa ako," A-Ano kamo? Bigla kong hinablot ang laylayan ng t-shirt ni Zack, ng paalis na siya.

"Huy! Ang sabi ko kitang dalawa ang magbabysit kay baby Justin! Hindi lamang ako! Anong akala mo sa 'kin? Yaya?!" Sumbat ko. Tinignan ako ng nakalokoloko ng mokong.

The Fearless Woman (OnGoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora