Chapter 12: New change

25 1 0
                                    

Chapter 12. New change

Mariz's POV

NAGISING ako bandang 12 o'clock, dahil sa underground fight kagabi. Pagkatapos kasi ng Valentine's event, tinawagan ako ni Melissa na may schedule daw kami na underground fight. Kaya umuwi lang ako sa bahay para magbihis at diretso na sa nasabing lugar. Pero hindi ko naiwasan na sumilay ang ngiti sa 'king labi ngayon. Kabila nang pagkapanalo namin sa underground fight kagabi. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa Valentine's event kahapon. Eh, pa'no naman kasi....

Flashback....

"Mica saan mo ba ako dadalhin ha?" Tanong ko habang nakablind-fold.

"Basta surprise nga diba?" Muk'ang excited na sabi ni Mica.

Hay, ano na naman kaya ang kalokohan ng babaeng 'to?

Bigla huminto si Mica kaya napahinto na din ako. "Nandito na tayo~" may pakanta-kanta pang sabi niya.

Tatanggalin ko na sana ang blind-fold na panyo, nang pinigilan ako ni Mica. "Wait! wait! Wag muna! Tatanggalin mo lang 'yan pagtapos kanang sumayaw sa iyong partner at kapag tumigil na ang romantic music!" Napakunot ako ng noo. Ano kamo?

Anong romantic music? Sayaw at partner?

Napaigtad ako ng bigla akong tinulak ni Mica. "Sige na bes, go na!" Excited naman niyang sabi.

Okay. Anyare?

"Ano ba itong surprise mo Mica?" Tanong ko nalang.

"Basta masusurprise ka mamaya! Enjoy lang muna! Bye!" Teka, did she say bye? Pag-nalaman kong iniwan ako ng babaeng 'to, lagot siya sa 'kin!

"Oh, Mark nandiyan na pala kayo. Nag-aantay na ang Reyna!" Rinig kong sambit ni Mica.

"Sorry nalate kami, oh ito na pala ang Hari!" Teka, si Mark ba itong nagsasalita.

Pag-nalaman ko talaga kung ano ang balak ni Mica. Naku! Lagot talaga siya sa 'kinnnn!

Naramdaman ko nalang na may malambot na kamay ang humawak sa 'king kamay, at muk'ang inilagay ito sa kanyang balikat. Pagkatapos may naramdaman akong mga kamay sa 'king bewang. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko basta nanatili lang akong tahimik.

Narinig kong nagsimula ng tumugtug ang music na pang romantic at kadalasang pinatugtug sa mga ball. Hindi ko alam na napasunod na pala ako sa bawat galaw ng nakapartner kuno nako. At ito kami ngayon muk'ang sumayaw na pang-romantic.

At ngayon napagtanto ko na, i-blinand date pala ako ni Mica, sabi nila 'yun daw ang tawag basta may kasayaw ka at pareho kayong nakablind-fold. At hindi niyo alam kong sino ang kasayaw niyo dahil bawal daw tanggalin ang blind-fold basta hindi pa tapos ang sayaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Fearless Woman (OnGoing)Where stories live. Discover now