Chapter 7: Babysitter?!

17 1 0
                                    

Chapter 7: Babysitter?!

"REGGIE IS 5 years older than Lani. Five years ago, the sum of their ages was 25. How old are they now? So, everybody from the class can answer this problem," Hays, math is always math! Bakit ba may math pa sa mundo! Naloloka talaga ang utak ko pag-math na ang pag-uusapan!

"Everybody from the class?.... Kung walang magvo-volunteer, I will choose one of you to answer this problem on the board," Sambit ulit ni Sir Gomez, ng makitang walang umimik sa 'min at ang iba pa ay kita sa mga mukha nila ang kaba. At ang iba ay nagtatago pa sa kanilang chair. Tss.

"Huy, ginagawa niyo ah? Kahit magtago pa kayo diyan, makikita't-makikita talaga kayo ni sir," Bulong ko sa dalawang kaklase kong nasa unahan.

"Tago-tago pa sila, eh wala naman silang matatagu-an. Tsk, mga duwag," Bulong ko ulit.

"Huy panget, wag mo nga kaming pagsasabihan, Wala kang karapatan dahil panget ka," Nagsalubong ang kilay ko sa binulong ng isa sa dalawang lalakeng binulongan ko.

"At wala kading karapatan na tawagin akong panget, porket nakasuot ako ng eyeglasses at maluwag na uniform, at kahit mabuhaghag 'tong buhok ko, panget agad? Diba pwedeng nerd lang?" Mataray kong bulong sa kanila. Dahil nga sa mataray ako hindi nalang silang nagsalita.

"Tsk, mga echosero, tignan niyo lang pagnasa labas na tayo ng school, siguradong mabibighani kayo sa taglay kong ganda paghindi na ako nakasuot ng school uniform na 'to," Bulong ko ulit sabay rolled eyes.

"Okay so, Ms. Garcia please answer the Age relation problem on the board," Bigla akong nanlumo ng tawagin ang pangalan ko. A-Ano kamo? Ako?! Paktay! Hindi ko pa naman alam kung paano sagutin 'yang letcheng math na 'yan!

"Ms. Garcia?..." Ulit ni sir. Ramdam kong tumatagaktak na ang pawis sa noo ko, at ramdam ko din nasa 'kin ang tingin nilang lahat. Tatayo na sana ako ng may biglang boses lalake ang nagsalita sa likuran ko.

"Sir, I volunteer to answer that question on the board,"

'Hay, hulog ng langit muk'ang hindi yata ako mapapasubok nito. Pero t-teka nga lang alam ko kung sinong boses 'yun ah.' (sabi ng isip ko)

"Sit down Ms. Garcia, okay Mr. Harris spill your answer..."

'Si Zack the mokong?! Aba! Salamat naman sa kanya dahil nagvolunteer siya. Sigurado akong mapapahiya din 'tong mokong na 'to, parang sa palagay ko hindi din niya alam kong paano sagutin ang letcheng math na 'yan, hahaha pare-parehas din pala kaming bobo eh.'

"First step, when you get the solution, you will let use the variable X and Y. Then, let X the Reggie's age now and Y for Lani's age now, then there are five years ago in the problem, so you will let X and Y subtract the 5 yrs ago. And then, the second step is you need to find the equation 1 and 2 in order to get the answer of X and Y or in other words the exact age of Reggie and Lani. So in finding the equation 1 and 2, you will use substitution or you just determine the variables related the age of the two certain person, and the third step when you get the equation 1 and 2, you just simplyfy it, according to your knowledge. I won't explain further, I will directly say the answer, the Reggie's age now is 20 and Lani's age now is 15." Nanlalaki ang mata kong tinignan si Zack sa likod. Seriously?! Nasagot niya ang math problem! Nagkamali pala ako, ang talino pala ng mokong na 'to, bakit kaya hindi niya pinapakita ang talino niyang taglay. Hays, kung may utak akong ganyan, siguradong ipinagpamalaki ko na!

The Fearless Woman (OnGoing)Where stories live. Discover now