CHAPTER 9

995 22 0
                                    


Matapos ang huling set ng banda nila ay nagligpit na ng mga instrumento at gamit nila sina Jing-jing. Nagbibiruan sila ng mga kabanda niya habang patungo sa kinapaparadahan ng van na ginamit nila patungo sa bar na iyon. Natigil lang sila nang biglang tawagin ng isang pamilyar na boses ang pangalan niya. Mula sa direksyon ng kabilang gilid ng parking lot nagmula ang boes. Malawak ang ngiting nilingon niya ang kababata at matalik na kaibigang si Darrell.

"Ang aga mo, Darrell. Ang aga mo para sa gig namin bukas. Akala ko ba manonood ka sa amin? Ano'ng petsa na? Tapos na ang show namin. Tilaok na lang ng manok ang maririnig mo," salubong niya rito.

At nang makarinig nga sila ng malakas na tilaok ng manok ay halos sabay-sabay pa silang nagtawanan.

"Sorry, na-traffic ako," nakangiwing pagrarason naman ni Darrell.

"Na-traffic ng ganitong oras?!"

"Na-traffic o naharang ka naman ng text at tawag ni Marie? Lemme guess, hindi ka pinayagang lumabas nang lampas ten 'o clock?" tudyo naman ni Santi. Pabirong sinuntok pa nito sa balikat si Darrell.

Hindi pa man ikinakasal sina Marie at Darrell ay may curfew na si Marie para sa binata. Hindi nga nila alam kung sino ang espiya ni Marie sa bahay nina Darrell dahil kahit wala roon si Marie at hindi nakikita kung ano'ng oras umaalis o umuuwi ng bahay si Darrell, nalalaman pa rin iyon ni Marie. Duda niya ay isa sa dalawang kasambahay nina Darrell ang espiya ni Marie. Imposible kasing ang nanay ni Darrell o isa sa tatlong kapatid ni Darrell iyon. Loyal ang apat kay Darrell. Bunso rin kasi si Darrell. Only boy pa kaya spoiled sa nanay at ate ng mga ito.

At tingin ni Jing-jing, isa sa mga rason kung bakit naakit si Darrell kay Marie ay dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nakatagpo si Darrell ng babaeng hindi ito tinatratong 'baby'. Pagdating kay Marie ay ito ang nag-aalaga at nagpapasensya. Pakiramdam siguro ni Darrell, 'hero' ang dating nito kapag kasama si Marie.

Matagal na ring kakilala ng mga kabanda niya si Darrell dahil sa kanya. Kaya madalas na kasama nila sa mga lakad at tugtog nila out og town ang lalaki. Kabiruan na rin ng mga ito si Darrell, lalo na nina Santi at Cinda.

"Ganun na rin nga," tugon ni Darrell na saglit napatiim-bagang bago pinilit ngumiti at tumingin sa kanya. "Saan kayo pupunta? Inuman muna tayo. Sayang naman ang pagtakas ko kung uuwi lang din pala agad ako. My treat!"

Nagkatinginan naman silang magkakabanda. Pagod na sila at ang balak na lang sana ay magsiuwi na. Lalo na si Chrisma dahil may mga pamangkin pa itong inaalagaan. Nahihiya na nga lang si Chrisma na huwag na namang sumama sa gig nila ngayong gabi kaya ito narito ngayon. Ilang buwan na rin kasi itong nagbakasyon mula sa banda nila matapos mamatay ang pinsan nito. Kaya lang ito napilitang sumama ngayong gabi ay dahil wala rin ang pansamantalang bassist na kinuha nila na si Macoy. Pero alam niya na wala ang isip at puso ni Chrisma sa pagtugtog nila kanina. Masama nga ang kutob niya na anumang sandali ay pormal nang magpapaalam si Chrisma sa kanila na iiwan na nito ang banda nila.

Sa huli sina Santi at Cinda na lang ang nagpasyang sumama kay Darrell na mag-inuman. Si Chrisma ay sinundo ni Wayne na nobyo na pala ngayon ni Chrisma. Sina Jing-jing at Lucibelle naman ay dumiretso nang uwi sa condo nila.

CHAPTER 6

Hinihingal na si Jing-jing dahil sa tila walang humpay niyang pagtakbo. Pero hindi siya pwedeng tumigil para magpahinga. Paglingon niya sa kaliwa niya, nakita niya si Daryl na nakasakay sa motorsiklo nito. Naka-angkas pa sa likuran ni Daryl si Rick.

Teka, parang may mali! Bakit siya tumatakbo habang ang dalawang lalaki nakasakay sa motorsiklo?! Balak ba siyang ipain ng mga ito sa Walkers na malapit na siyang maabutan?! No! Hindi siya papayag! Hindi!

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon