CHAPTER 15

938 26 0
                                    

Tirik na tirik na ang araw ay naghihilik pa rin sa gitna ng kama niya si Jing-jing. Paghihilik na biglang ginambala ng malalakas na katok sa pinto ng silid niya. Pupungas-pungas na napabalikwas siya ng bangon at iginala ang tingin sa loob ng silid niya. For a second or two, she thought there was an earthquake but then she realized that it was the loud banging on her door that woke her up. Nakita niyang ala-una ng tanghali na sa wall clock na nasa bandang itaas ng flatscreen TV niya. Ibig sabihin halos dalawang oras pa lang siyang nakakatulog.

Imbes na mabawasan ang sakit ng ulo na iniinda niya kanina bago matulog, tila dumoble pa iyon ngayon. Mukhang matutuloy na nga sa trangkaso ang sama ng pakiramdam niya. Tiniis lang niya kagabi ang masamang nararamdaman para matuloy ang gig nila ng banda niya. Inisip niyang kulang lang siya sa pahinga at tulog. Pero senyales na pala iyon ng sakit.

Kaya naman pagkauwi nila ni Lucibelle kaninang alas-nueve ng umaga mula sa dinaluhang fiesta sa isang bayan sa Batangas kung saan sila tumugtog ng banda niya kagabi, dumiretso na siya sa silid niya at nahiga sa kama niya. Ni hindi siya nagka-interes tikman ni isa sa mga naiuwi nilang pagkain na ipinabaon ng mga organizer ng show na pinuntahan nila sa Batangas. Wala siyang gana. Mas gusto niyang mahiga na sa kama niya.

Pero dahil hindi rin siya nakatulog agad pagkahiga niya sa kama, nanood na lang muna siya ng The Walking Dead. Gising pa siya hanggang alas onse. Wala naman silang gig mamaya kaya balak sana niya ay buong araw na matulog at bumawi ng lakas. Pero sinalungat ng sunud-sunod at malalakas na katok sa pinto ng kwarto niya ang plano niya.

"Dammit, Luci!" galit na ibinato niya sa pinto ang unan na nakatakip sa mukha kanina at nagbubusang bumangon. "Tiyakin mo lang na nasusunog na ang buong building natin kaya ka kumakatok ng ganyan. Kung hindi, hahawaan kita ng virus ko!"

Sigurado siyang si Lucibelle ang kumakatok sa pinto niya dahil silang dalawa na lang ulit ang nakatira doon sa bahay nila. Umalis na kahapon pa si Yang matapos ang madramang sigawan at sumbatan na eksena nilang magpinsan. Nakuha pa nitong takutin siya na isusumbong raw siya sa mga kuya niya. Sasabihin raw nito sa mga kuya niya na may pinapatulog siyang lalaki roon kaya ayaw niyang naroon ito.

Nakuha pa siyang blackmail-in ng magaling na pinsan niya para lang huwag niya itong paalisin sa bahay nila. Pero malas nito dahil hindi siya nagpa-blackmail dito. Bukod sa tiwala siyang hindi ito paniniwalaan ng mga kuya niya dahil kilala rin ng mga kuya niya ang ugali ni Yang kapag hindi nasusunod ang gusto nito, kasama pa niya sina Lucibelle at Chrisma sa pagpapasyang paalisin na si Yang sa bahay nila.

Sunod-sunod at malalakas na kumatok muli si Lucibelle sa pinto niya. Kung manipis lang siguro ang dahon ng pinto ng silid niya ay malamang nabutas na iyon sa diin ng pagkatok ni Lucibelle roon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Baka nga nasusunog na ang building nila kaya ganoon makakatok si Lucibelle.

"Teka lang! Sandali!" paos na aniya na pilit binilisan ang paghakbang kahit na parang pagkabigat-bigat ng bawat bahagi ng katawan niya.

"Ano ba'ng nangyayari? Nasusunog ba ang building natin at kung---"

Naputol ang anumang sasabihin niya nang imbes na si Lucibelle ay si Marie ang bumungad sa kanya pagbukas niya ng pinto ng silid niya. Napatda siya nang makita ang tila kinokombulsyon sa galit na anyo ni Marie.

"Marie! Ano'ng ginagawa mo dito? Bakit ka—"

"You bitch! You evil bitch! Kahit noon pa kontrabida ka na sa buhay ko! Hanggang ngayon kontrabida ka pa rin sa buhay ko! Lahat na lang ng meron ako inaagaw mo! Mang-aagaw kang, malandi ka! Malandi!" galit na galit na tungayaw ni Marie sa kanya. Noong una ay dinuduro lang siya nito pero sabay ng pagbanggit nito sa mga salitang 'You evil bitch!' ay hinablot na nito ang buhok niya.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLWhere stories live. Discover now