Chapter 31

591 14 0
                                    


"Dahil lang sa narinig mong sinabi ko habang natutulog ako pagdududahan mo na ako?! Alam mo ba kung ano'ng napanaginipan ko? Gusto mong malaman kung sino ang sinasabihan kong mahal ko?! Hindi si Darrell kundi ikaw!" paasik na aniya rito. Pagkuwan isinalaysay niya ang laman ng panaginip niya.

Nang matapos siyang magsalita ay kumalat ang pagkapahiya at labis na pagsisisi sa anyo ni Bell.

"I-I'm sorry. I'm sorry, Jing-jing."

"I'm sorry too pero ayoko munang makita ka. Mas mabuti pa ngang umalis ka na bago pa ako makaggawa ng bagay na hindi natin magugustuhan pareho."

Bumuka ang mga labi ni Bell pero sa huli muli rin nitong itinikom iyon. Tumango ito at laylay ang balikat na humakbang paalis. Pero huminto ito nang mapatapat sa gate. Humakbang ito pabalik at tumayo sa harapan niya.

"Ayokong makinig sa 'yo ngayon, Bell! Umalis ka na muna. Saka na---"

"Makinig ka muna sa paliwanag ko. Aalis din ako pero pakinggan mo muna ang sasabihin ko."

"Bakit? Humingi ka ba ng paliwanag kanina? Hindi naman, di ba? Basta ka na lang nang-akusa!"

"Kasi nasaktan ako nang marinig kong sinasabi mong mahal mo si Darrell! Nagselos ako! Alam ko gago ako para pagdudahan ka dahil lang sa narinig kong sinabi mo habang natutulog ka. Pero iyon ang naramdaman ko nang marinig ko ang pangalan niya na binabanggit mo. Magpalit man tayo ng posisyon, hindi ka ba magdadamdam din kapag narinig mo akong sinasabihan ng mahal kita ang ibang babae?"

"Siguro nga pero hindi ako basta na lang mang-aakusa! Kakausapin muna kita! At hindi ko na pahahabain pa ang pagtatampo ko!"

"I know. Dapat kinausap na agad kita tungkol roon. I'm sorry. I'm really sorry, Jing-jing. Please, forgive me?"

Matiim na tinitigan niya ang anyo ni Bell. "Lagi ba nating pagtatalunan si Darrell, Bell? Ayokong maging tulad nina Marie at Darrell ang relasyon natin."

Natigilan si Bell. Mistula itong binuhusan ng kumukulong mantika sa reaksyon nito. Bigla tuloy ay nais niyang bawiin at burahin ang sinabi. Hindi, hindi sila tulad nina Marie at Darrell. Iba ang relasyon nila kaysa sa dalawa.

"Bell---"

"Aalis na ako. Tatawagan kita bukas."

"Bell! Sandali lang, hindi pa tayo tapos mag-usap!"

Hindi niya alam kung saan nagmumula ang takot na lumukob sa kabuuan niya sa nakikita niyang hindi mabasang ekspresyon sa mukha ni Bell. Natatakot siya sa posibleng tumatakbo sa isip ng nobyo ngayon. Para kasi itong nakakita ng halimaw. At ang mas masaklap pa, ang nakikita nitong halimaw ay walang iba kung hindi sarili nito.

"Bell, please---"

Sinapo nito ng mga palad ang mukha niya at mariing hinalikan siya. "I love you, Jing. I'll call you tomorrow, promise."

"Tiyakin mo lang, Bell. Kung hindi susugurin talaga kita sa bahay ninyo."

Tipid na ngumiti ito bago tuluyang umalis.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLWhere stories live. Discover now