Chapter 28

611 16 0
                                    


"Alam kong hindi mo ako mahal, Jing-jing. Pero hayaan mo akong turuan kang mahalin ako. At kung sa huli hindi mo pa rin kayang mahalin ako, hindi kita pipigilang iwan ako. Gusto ko lang maamin ng diretso sa iyo ang nararamdaman ko," may himig na ng pakikiusap ang tono ni Bell sa pagkakataong iyon.

Nagtagisan ang mga mata nila. Kapwa pilit inaarok, inaalam at sinasaliksik ang bawat hulma ng ekspresyon sa mukh ang isa't isa. Siya dahil sa paghahanap niya ng pruweba na nagsasabi ito ng totoo. Ang binata naman ay dahil sa paghahanap ng senyales na may katugon ang damdamin nito para sa kanya. Sa huli, pinili ni Jing-jing na sumugal.

Nanginginig ang mga labi na lumunok si Jing-jing at humakbang palapit kay Bell. Then she tightly wrapped her arms around him and pressed her cheek on his hard chest. Saglit itong natigilan. Tila hindi malaman kung ano ang gagawin. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso nito. Nang sa wakas ay tila tumagos sa isip nito na siya na ang unang tumawid sa distansya sa pagitan nila, medyo nanginginig pa ang mga braso nito nang iyakap ang mga iyon sa katawan niya.

"Jing?" paanas na untag nito.

"Iisipin mo bang cheap ako kung sasagutin na kita agad ngayon?"

Malakas na napahalakhak naman ito. Sinapo nito ang pisngi niya at iniangat ang mukha niya upang magsalubong ang mga tingin nila. Tumungo ito upang pati mga labi nila ay magsalubong. Mariing siniil nito ng halik ang mga labi niya.

"I don't know if I love you too, Bell. Pero tuwing kasama kita, pakiramdam ko wala nang kulang sa buhay ko. Hinahanap-hanap kita kapag wala ka. At lahat ng mga naging girlfriends mo gusto kong kalbuhin lahat. Sapat na ba iyon para masabing mahal kita?"

"That's more than enough, Jing."

CHAPTER 15

"Why do you want to have dinner here?" untag ni Bell sa nobyang si Jing-jing matapos niyang ibaba sa kitchen counter sa kusina nito ang bitbit niyang grocery bags. Sa pagkakataong iyon, hindi na palabas lang ang pagiging magkasintahan nila. Totoong nobya na niya ang dalaga.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Jing-jing. Ngiting nais niyang ikakaba. It was the smile of a woman who was secure in her femininity. Napalunok siya.

"Relax, Alexander Graham Bell, ligtas ang puri mo ngayong gabi."

"Are you sure?" nanunudyong ngisi niya rito.

"Ang daya mo naman eh! Huwag mo akong ngitian ng ganyan!" umaangal at nakangiwing sambit ni Jing-jing.

"Ha?"

"Huwag mo akong ngitian ng ganyan. Mahina ako sa tukso. Layuan mo ako! Baka atakihin ako sa puso sa ginagawa mo. Lalo akong nai-in love sa iyo eh!" pabiro ang tono nito at pilya ang kislap ng mga mata nito. Pero siya ay napatda. Lumapit siya sa dalaga at hinapit ito sa baywang.

"Ulitin mo ang sinabi mo," marahang utos niya habang nakatitig sa mukha nito.

"Alin doon? Dami ko kayang sinabi," nanunudyo ang ngiting anito.

"Jing-jing."

"I love you too, Bell."

Siniil niya ng halik ang dalaga. Sinapo niya ng mga palad ang mukha nito. Hinalikan niya ito na para bang lahat ng hangin na kailangan ng katawan niya ay makukuha lang niya mula sa mga labi nito.

Pinangko niya ito nang hindi pinapakawalan ang mga labi nito. Maingat na iniupo niya ito sa ibabaw ng kitchen counter. He nuzzled her neck, nibbling the smooth, soft skin bared by her sleeveless shirt. He wanted to taste every inch of her slowly. He wanted to savor her.

Subalit kung siya ay gustong dahan-dahanin ang lahat at namnamin ang bawat segundo, kabaligtaran naman niyon ang dalaga. Puno ng pagkainip at pagmamadaling hinatak nito paitaas ang laylayan ng damit niya. Pagkuwan malayang naglakbay at dinama ng mga palad nito ang dibdib at abs niya. Hindi naman patas na siya lang ang wala nang pang-itaas sa kanilang dalawa. Kaya mabilis na hinubad na rin niya ang sleeveless shirt nito.

Ni piyok walang namutawi sa mga labi niya nang malantad sa kanya ang kahubdan ng dalaga. Her breasts were the perfect size for his hands as he gently kneaded and teased them. And when he took one of her nipples inside his mouth, they both groaned in shared ecstasy.

"I want you so much, Jing. But this is not the right place for our first time together," anas niya sa dalaga saka muli itong pinangko upang dalhin sa silid nito.

Next time, they'd definitely make love in her kitchen. Pero sa ngayon, gusto niyang angkinin ang nobya sa malapad, maluwag at malambot na kama. Kung saan maaari niyang gugulin ang buong gabi sa pananaliksik at pag-aaral kung ano'ng klaseng haplos, gaano kadiin na mga hagod, gaano kainit na mga halik ang lubos na magdudulot ng ligaya rito.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLWo Geschichten leben. Entdecke jetzt