Chapter 36

615 16 0
                                    


Tulad ng sinabi ni Tom kay Lucibelle kahapon, kinabukasan ay balik na sa dating disposisyon nito si Jingjing. Masigla at nakakatawa na ulit ang dalaga. Maliban sa medyo pangangayayat dahil sa ilang araw na hindi pagkain, hindi na mahahalatng ilang linggong nakalipas na daig pa niya ang nabiyuda.

Siguro masasabi ngang ganoon na rin ang nangyari sa kanya. Pakiramdam niya bigla siyang nabiyuda dahil matapos ang mahigit ilang araw na pag-iwas sa mga tawag niya ni Bell ay dineretso siya nito nang huling beses niyang tawagan ito. Nakaukit sa isip niya ang bawat salitang binitiwan nito. Mga katagang daig pa ang katana sa talim na paulit-ulit humiwa, pumilas at nagpira-piraso sa puso niya.

"Hindi ka naman tanga, hindi ka manhid. Alam mo naman siguro ang ibig sbaihin kapag ayaw kang makausap ng isang tao, di ba? Maawa ka sa pride mo. Tapos na tayo. Ayoko na sa iyo." Sinlamig ng yelo at sintiga sng bato ang boses ni Bell. Bawat kataga daig pa ang matalim na kutsilyo at matulis na pako na humihiwa at bumabaon sa puso niya.

"B-Bell...bakit? A-ano'ng kasalanan ko? Ano'ng naggawa ko sa iyo?!"

Dinig niya ang marahas na pagbuga ni Bell ng hininga. Para bang nauubusan ng pasensya sa kanya pero atas ng pakikisama ay pilit na kinokontrol ang sarili. Ilang beses pa muna itong bumunot ng malalim na hininga bago nagsalita. Akala niya babawiin nito ang mga salitang sanhi ng pamimilipit sa sakit ng puso niya. Pero mas lalo lang pala nitong pagdurusain ang puso niya sa sumunod nitong mga salita.

"Wala kang kasalanan, Jing-jing. Ako ang may kasalanan. Ako ang naging marupok at---I met another woman, Jing. And I---I guess you can say I fell in love with her the first time I saw her. Hindi ko sinasadya, Jing. Hindi ko sinasadya. I'm sorry. I'm so sorry..." may himig na ng pakikiusap ang tono at boses ni Bell sa pagkakataong iyon. Para bang nakikiusap ito sa kanya na huwag na niyang pahabain pa ang sariling paghihirap ng loob niya.

Mariing kinagat niya ang mga labi. Sa sobrang diin ng pagkakakagat niya, nalasahan na niya ang dugo mula sa sugat sanhi ng napakariing pagkakagat niya sa sariling labi. Pero hindi siya naniniwala sa lalaki. Hindi si Bell ang tipo ng lalaking mangangaliwa. At bago pa man ito umalis papuntang States, nadarama na niya nag unti-unting paglayo at pagdistansya nito sa kanya. Posibleng may nakilala na nga itong iba sa States at posibleng kasama nito ang babaeng iyon ngayon. Pero bago man ito umalis ng Pilipinas, malakas ang kutob niyang binabalak na nitong makipaghiwalay sa kanya.

"Tapatin mo na ako, Bell. Huwag ka nang magpaliguy-ligoy pa. Kung gusto mong makipaghiwalay sa akin, at least give me the real reason! Noong bago ka umalis binalak mo nang makipaghiwalay nun, di ba?" untag niya.

Mahabang katahimikan ang naging tugon nito. Maya-maya bumuntung-hininga ito at napilitang mangumpisal.

"Oo."

"Bakit?! Kahit kailan ba hindi sumagi sa isip mo na posibleng mahalin mo rin ako? Kahit saglit lang, kahit sa bangungot lang? Noong buong panahon na magkasama tayo, hindi mo ba naisip na posibleng maging totoo ang acting lang?"

"I'm sorry, Jing-jing. I'm sorry. Umalis ako dahil ayoko nang pahabain pa ang pagpapanggap natin. Ayokong patuloy na umasa ka."

"So lahat, everything was just part of the show? Part of pretending we're together so you can keep Darrell away from me?! Kahit na noong malaman mo na wala talagang gusto si Darrell sa akin?"

"I'm sorry, I'm so sorry. Jing-jing---"

Hindi na pinakinggan pa ni Jing-jing ang susunod pang sasabihin ni Bell. Pinutol na niya ang linya. Napahawak siya sa dibdib niya. Parang dinidikdik ang puso niya sa sobrang sakit.

Masakit. Napaktindi ng sakit. Para siyang pinutulan ng mga paa at mga kamay. Parang bigla lahat ng bahagi ng katawan niya ay isang bukas at nagdurugong sugat. Walang kapantay ang sakit. Lalo pa't ang pagtawag niyang iyon kay Bell ay dahil nais niyang ibalita rito ang akala niya ay masayang balitang ikalulugod nitong malaman. Nais niyang sabihin dito na buntis siya. Nasa sinapupunan niya ang anak nila. Pero paano niya gagawin iyon kung sinabi na nitong ni minsan hindi naman pala siya nito minahal. Tapos na ang misyon nitong papanatagin ang loob ni Marie kaya itsapwera na siya s abuhay nito. Siya at ang anak na iniwan nito sa kanya.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLWhere stories live. Discover now