Kabanata 3

12.9K 298 51
                                    

Kabanata 3

Pagkalapag ng elevator sa ground floor ay lumabas na rin ako, bago pa man ako tuluyang lumabas ng building ay hinarap ko ang mga tauhan na malapit sa elevator upang magtanong. Ang aking kamao ay naka-kuyom habang nakakunot ang noo.

"Madalas bang bumisita sa opisina ni Zhel si Kim?" tanong ko sa isang lalaki. Tila gulat naman itong tumingin sa akin saka yumuko. "Walang sasagot?" tanong ko pa sa galit na tono.

Nagsisikuhan ang dalawang lalaki habang may binubulong at sinesenyas. Marahil ay nagtuturuan kung sino ang magsasabi sa akin ng katotohanan.

"Ma'am k-kasi..." Hindi nito matapos ang sasabihin. Bumuntong-hininga muna siya ng matagal bago tumitig sa akin. "Kapag raw po nagsumbong kami sa inyo ay gagawin daw niya ang lahat para mapaalis kami sa trabaho namin. Kaya raw niyang kausapin si Sir Zhellion para lang mapatalsik kami dito. Ayaw naman po naming mawalan ng trabaho. Lalo na po ako at buntis ang girlfriend ko," sabi nito.

"At lagi niyang ginagamit ang elevator na nakareserve para sa akin at sa asawa ko?" tanong ko.

"Opo," sagot niya sa akin.

Mariin kong kinuyom ang palad ko saka bumuntong-hininga. Ibang klase si Zhel, pinangangalandakan niya sa lahat kung paano siya mambabae, handa siyang sirain ang sarili niya sa harap ng iba para lang masira ako ng tuluyan. Bilib ako sa kaniya, handa niyang sirain ang napakagandang imahe niya sa publiko para lang makapaghigantin sa akin. Ano kaya ang kasalanan ko sa kaniya? He's literally slapping the truth on my face right now and saying that he doesn't love me anymore; or did he ever love me?

Ano kaya kung mag-tip ako sa media na ang great business tycoon na si Zhellion Archer Espiritu ay may babae at dinadala niya ito sa opisina niya? Surely it will be a big issue and my husband will be on a big trouble. Madadawit ang stockholders at magpu-pull out para makaalis na issue, in that way makagaganti ako sa kaniya ngunit babagsak rin ang Lopez Prime Holdings Inc. na matagal ring pinagsikapan ni Daddy na maitayo, kaso noong nagresign siya as CEO, si Zhel, na noon ay Managing Director pa lang, ang pumalit na chief executive officer ng LPHI. Everyone will hate Zhel and Kim, and I'll get their attention and sympathy. Ngunit ayaw kong gawin iyon, baka bumagsak ang business at mas lalo akong masaktan sa sasabihin o gagawin ni Zhel sa akin.

Masyadong masakit yung mga sampal at suntok niya na halos araw-araw kong nararamdaman. Hindi ko na kayang maramdaman iyon ulit pa dahil tila sasabog na ako kung gagawin niya iyon ulit sa akin.

I wonder, gaano ba kasama ang ginawa ko to deserve this? Kung tutuusin, hindi ko naman ginusto na may mangyari sa amin noon. Oo, mahal na mahal ko si Zhel noon pa man ngunit nirerespeto ko ang relasyon nila ni Isabelle bilang isa rin ako sa mga taga-hanga ng love story nila. Kahit kalian ay hindi ko inisip na sana ay mabuntis ako ni Zhel at pakasalan para sa akin na siya hanggang tumanda. I am selfish, but I'm not greedy.

And hell, about our lost baby, mas lalong hindi ko ginustong mawala ang anak naming dalawa. Why do I have to suffer these pains in the hands of my husband? Hindi ko ba talaga deserve sumaya?

"Pakisabi sa kaniya, hindi na siya maaaring sumakay sa elevator na iyon, that elevator is exclusive for us only at hindi kasali ro'n si Kim at kapag binantaan niya kayo, remember that I have more rights than her for I am the wife and she's just a mistress, aside from that, my Dad is still the founder of this company. Hindi niya kayo mapapaalis dito dahil lang ginusto niya o ni Zhel," sabi ko sa kanila. Gulat naman silang tumingin sa akin dahilan para magtaka ako. May sinabi ba akong mali? Toto naman iyon, ah. "Bakit?" tanong ko.

"N-no offense, ma'am, pero bakit niyo hinahayaang pumunta si Kim sa office ni Sir Zhel? I mean, you're the legal wife and you have all the rights to drag her out from the office of your husband," wika nito sa akin kaya hindi ako nakasagot. "You can even slap her para lang magtanda."

Touch Of EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon