Kabanata 21

11.6K 236 15
                                    

Kabanata 21

"Ma'am, may nagpadala ho sa inyo," wika ng isa kong tauhan na may hawak na bouquet ng pulang rosas at isang box ng chocolates. Awtomatikong gumuhit ang ngiti ko nang makita ang nasabing gamit sa kaniyang kamay. Wow, after how many weeks ngayon lang siya nagpadala ng ganito.

"Thank you, pakilagay na lang sa lamesa ko." Marahan kong isinayaw-sayaw ang guwapo kong anak na kasalukuyang natutulog sa aking bisig. "Sino nagpapabigay?" tanong ko pa.

"Hindi ko po alam," aniya kaya tumango ako bilang tugon sa sinabi niya. Wow, Zhel, may pa-mysterious effect at ayaw pang sabihing siya ang nagpadala. "Sige po, bababa na ho ako dahil marami pang costumer na aasikasuhin," sabi niya kaya tumango ako saka umalis na.

Nang nasiguro kong tulog na ito ay inihiga ko na siya sa kaniyang crib saka naupo at kinuha ang mga regalo ko. Akala ko ay si Zhel ang nagpadala, si Zen pala. Hindi ko lubos maisip kung bakit parang may tumusok sa aking dibdib ko nang nakita kong si Zen ang nagpadala at hindi si Zhel. So hindi talaga siya nagpaparamdam after how many weeks?

Speaking of Zhel, dalawang linggo na ang nakakaraan mula noong huli kaming nagkita. Iyon ay noong inihatid niya ako sa condo ko sa Flair Towers. Nakapagtatakang aniya ay ihahatid niya ako sa unit ko mismo pero hindi naman siya nakarating doon.

"Pam!" tawag ni Zen nang makarating ako sa unit namin, agad niya akong sinalubong ng yakap na mahigpit. Takang-taka man ay iniyakap ko rin ang aking kamay saka tinapik-tapik ang likod nito. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Zen, are you alright?" tanong ko sa kaniya. Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka ako tinitigan sa mata. Gulat na gulat ako nang makitang mugto ang mata nito at namumula patunay na kagagaling lamang niya sa pag-iyak. "Hey, anong mayroon?" tanong ko saka hinawakan ang pisngi niya.

"S-she called me," nauutal na aniya. She? Who the hell?

"Sino?" tanong ko sa kaniya dahil sa pagtataka.

"Maria," aniya. Oh! I remember her! Maria Josefa is his ex-girlfriend. Nabanggit niya sa akin na may kasintahan ito noon sa probinsiya at kinailangan nilang maghiwalay bago siya lumuwas sa New York. Ano kayang nangyari at bakit siya umiiyak?

"What do you mean? Anong sinabi niya?" tanong ko. Hinila niya ako sa sofa saka binuklat ang laptop niya. Nilingon ko ang pinto pero wala si Zhel, bakit kaya hindi siya pumasok doon? "Saglit lang," sabi ko saka tumayo at dumeretso sa pinto.

Nilingon ko ang pasilyo ngunit wala si Zhel doon kaya napakunot ang noo ko bago isaraa ang pinto. Akala ko pa naman ay dederetso siya agad dito.

Tumambad sa akin ang larawan ni Maria, may buhat-buhat itong magandang babae na sa tingin ko ay kapareho lang ni Jheian sa edad. Ilang video na umiiyak at tumatawa ang bata, at solong larawan no'n. Gosh, don't tell me she's a mother now? Kaya siguro umiyak si Zen dahil mahal na mahal niyang tunay ang babae tapos ganito ang maaabutan niya.

"Pam, that's..." Hindi niya naituloy ang sasabihin sana. Bumuntong-hininga ito bago nagpunas ng luha saka hinawakan ang screen ng laptop niya. "That's our baby," dagdag niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Touch Of EvilWhere stories live. Discover now