Kabanata 6

12.4K 305 45
                                    

Kabanata 6

Naging tahimik ang biyahe naming dalawa pauwi ng bahay. I want to tell him about my latest situation but I am afraid that he'll get mad, go berserk, or maybe ignore what I am gonna say. Iyon nga lang pagpapakasal sa akin, hindi na niya tanggap, iyon pa kayang magkaanak siya sa akin? Malamang, masisira ang relasyon nila ni Kim kapag sinabi ko.

Kahit naman hindi niya sabibin ay alam kong nabibigatan na siya sa akin at nagtitiyaga na lang siya sa akin dahil gusto ng pamilya niya na magtibay pa ang relasyon ng Lopez at Espiritu family at kami ang nakikita nilang solusyon para doon. Maging si Zhel panigurado ay nagsisisi na naging mag-asawa kaming dalawa. Alam ko naman na gustong-gusto na niya akong hiwalayan pero baka maging kompikado dahil nga kay Daddy ang LPHI. I know we would disappoint them if we'll broke up. Isa pa, hindi ko yata kaya na makipaghiwalay sa kaniya, lalo na ngayon at may idinadala akong bata sa sinapupunan ko.

Minabuti ko na lang na manahimik, pasasaan pa't malalaman din naman niya ang pagbubuntis ko kapag lumobo na ang tiyan ko. Sa ngayon, I want to keep it secret, to protect myself... and the baby himself.

We're on the middle of our silent ride when I saw a big poster of a pizza store. Tila naantig ang mata ko at bigla akong nag-crave ng pizza. It looks so delicious especially the design, the toppings, I want to eat one!

"Zhel," pambabasag ko sa nakabibinging katahimikan na namamayani sa aming dalawa. He looked at me shortly before darting again his sight on the road.

"Ano?" sagot niya habang nakatingin sa daan. His muscles flexed when he shift gears which made me gulp a bit and heave a sigh.

"Can we stop there, in front of that store?" tanong ko habang nakaturo sa isang establishiyemento ng pizza hut.

"Why? Nasa mall ka na bakit hindi ka pa kumain?" tanong niya saka ako nilingon. "At bakit may benda ang 'yang ulo, siko, at paa mo?" usisa niya pa saka itinigil sa parking lot ang kotse niya. Daming sinasabi, bibili rin naman pala.

He stared at me blankly then attempted to hold those bruises pero iniwas ko iyon. Nagsalubong ang kilay niya pero ngumiti lang ako senyales na ayos lang ako.

"Wala ito, nadulas lang ako kanina sa bahay kaya nauntog ako sa edge ng glass center table. Nagasgasan din ako kaya nilinis ko lang," pagsisinungaling ko sa kaniya. His eyes never left mine as he sighed heavily again.

"Hindi ka kasi nag-iingat," aniya sa akin.

"Ayos lang naman talaga ako, maliit lang 'to," sabi ko at mapait na ngumiti nang humapdi iyon dahil marahan kong hinawakan.

"Bibili ako ng Hawaiian Pizza," dagdag ko pa saka akmang aalisin na ang seatbelt pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan.

That short contact sent shivers to my spine. Naestatwa ako dahil sa hawak niya sa kamay ko. His hand held mine and smiled a bit dahilan para mas maging awkward ang posisyon naming dalawa. Ano bang mayroon sa lalaking ito at bakit tila bumait? Dahil may kasalanan?

"Ako na," sabi niya saka inalis ang seatbelt niya at mabilis na umibis sa sasakyan.

Natulala ako sa ginawa niya. He smiled to me like he didn't hurt me at all and he also insisted to buy the pizza instead. Palibhasa ay may kasalanan na namang nagawa kaya ganiyan? Well, should I be happy that he's acting this way or should I be sad for he's doing all of this just as often as super blue blood moon?

I was in the middle of my thoughts when someone knocked on the car's window. It was Red Ivan Felimon, my ex boyfriend, knocking on the window. Kinalas ko ang aking seatbelt saka lumabas para makipag-usap sa kaniya. He smiled and waved to me na sinuklian ko rin naman ng matamis na ngiti.

Touch Of EvilWhere stories live. Discover now