Kabanata 29

9.7K 188 8
                                    

Kabanata 29

Patila na ang ulan nang kumain kami ng tanghalian. Si Jheian ay na sa pangangalaga muna nila Mommy sa probinsiya habang kami ay inaasikaso ang mga problema sa negosyo. Kukuhanin rin naman namin ang bata kapag maayos na ito.

Natigil kami nang tumunog ang door bell mula sa labas ng bahay. Tumayo si Zhel saka iyon pinuntahan habang ako naman ay hinihintay ito.

"Magandang tanghali Zhel, Miss Pam," bati ng isang lalaking nakapolo sa amin.

"Sa iyo rin," sagot ko. Si Zhel naman ay nakakunot ang noo habang binabasa ang ilang papeles na hawak niya.

"I'm Marco Alejo," pakilala niya sa akin na tinanguan ko lang naman. "Zhel, nakilala na namin ang dahilan kaya naging mababa ang revenue natin nitong nakaraang dalawang buwan. Lumabas na ang resulta ng financial department," dagdag ni Marco na ngayo'y nakatingin kay Zhel.

"Talk to me in private. We can talk about this on my office," sabi ni Zhel.

"What?!" singhal ko dahil hindi ako papayag sa balak nilang private talk. "No! I have to hear what you are going to discuss," sabi ko na nakaturo kay Marco.

"No need, Pam," si Zhel.

"I will listen," kalmadong sabi ko.

"This doesn't concern you, baby. Kaya na naming lutasan 'to," sagot niya.

Pumikit ako ng mariin saka bumuntong hininga. Bakit ba ayaw nilang isama ako sa private meeting nila? May alam naman ako tungkol sa business kaya bakit ayaw nila akong isama?

"I will listen," sabi ko ulit.

"No," ulit niya.

"Zhel, I am the daughter of the founder of Lopez Prime Holdings Incorporations, and I am the wife of the current chief executive officer of the company so I think I have the rights to know what is going on," litanya ko pero umiling siya sa sinabi ko.

"Mapapagod ka lang kaiisip tungkol rito. Ayaw kong napapagod ang asawa ko." Inilapit niya ang kaniyang mukha sa tainga ko. "Papagurin pa kita mamaya," aniya saka mahinang tumawa.

"Zhellion Archer Montemayor Espiritu, I will listen to everything that he's going to discuss," pinal at galit na sabi ko. Wala na itong magawa kundi umiling.

"Fine," pagsuko niya. "Wait me on the living room. I think I should change my cloths first," aniya pa saka humalik sa pisngi ko.

He's wearing a sando, the holes that should be for the hand is ripped to the bottom of the shirt exposing his well defined stomach and manly biceps. He's also wearing a simple checkered boxer with a length that's enough to cover his thing but not enough to hide his hairy and hot legs.

"I never thought that you are so understanding, Zhel," ani Marco na dinidiinan ang salitang "under" sa understanding.

"Gago, mahirap na," sabi ni Zhel saka sila nagtawanan. Inirapan ko lang silang dalawa saka ako pumunta sa couch at doon naupo.

Sumunod naman sa akin si Marco saka inilapag sa harapan ko ang mga papeles. Binuksan ko iyon saka binasa.

Sa nakaraang ilang buwan ay bumagsak ng 5% ang kinikita ng Lopez Prime Holdings. Ayon sa mga dokumentong ipinasa ni Mr. Harper Lim, ang dating kita ng kompaniya buwan-buwan ay P130,964,325 pesos. Ang inaasahan ay tataas ang sales ng 10% dahil sa pagkalugi ng mga kompaniyang nasa kaparehong lining tulad na lang ng Laxina Industries at Silver Lining Corps. na tulad namin ay nagpoproduce rin ng wines. Lamang pa nga dapat kami dahil may iilang properties kami tulad ng sariling grape yard, sakahan, at sewing branches. Ngunit ang kita namin ngayon ay mas mataas lamang ng kaunti kumpara sa lagay ng dalawang kompaniyang binanggit ko.

Touch Of EvilWhere stories live. Discover now