Kabanata 8

12.2K 312 66
                                    

Kabanata 8

Kinabukasan ay nagising ako na nakayakap sa akin ang asawa ko. Kahit gusto ko pang i-cherish ang moment na iyon ay inalis ko ang kamay niya saka ako naligo at nagsimula nang maglinis sa bahay. Nagluto na ako ng breakfast naming dalawa dahil baka dito siya kumain at naglinis na rin. Baka kung hindi pa ako magsimula maglinis ay magalit siya dahil sa mga kalat sa living room at kusina.

Naroon pa ang ilang basag na muwebles at maging ang pizza na inihagis niya ay nasa sahig pa. Sinimulan kong pulutin ang mga bubog sa sahig at inilagay ito sa dust pan sa tabi ko. Hindi ko ininda ang ilang mga sugat na natamo ko sa kamay dahil sa mga bubog na iyon kaya naisilid ko rin naman sa basurahan ang lahat ng mga kalat na nakalap ko.

Mahapdi ang bubog kaya nilinis ko muna iyon saglit bago nagpatuloy sa paglilinis. Lumapit ako sa cabinet na lagayan ng tv at nakita malapit doon ang invitation envelop para sa nasabing founding anniversary ng school. Dinampot ko iyon saka binasa.

The event will be held at Central University, 6pm-10pm, December 24 this year. Naroon ang ilang sponsors kabilang na ang ADC Clothings for anniversary shirt at ang mag-asawang Jazz at Xia Villanueva for the foods and expenses. So, christmas eve ang party? I guess deretso na kami ni Zhel sa bahay pag-uwi at maghanda para sa christmas, or will we celebrate it? I don't know.

Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni noong bumukas ang pinto at pumasok doon si Kim na nakasuot ng pulang dress, ang slit ay hanggang baywang at ang kaniyang itim na stiletto ay gumagawa ng ingay sa aming sahig, pulang pula ang labi at wavy ang itim na buhok. Kung tutuusin ay maganda ito ngunit sinayang niya ang ganda niya dahil mas namuhunan siya sa lalaking may asawa na.

"Ang kapal naman ng mukha mong pumasok sa bahay ko ng walang paalam?" wika ko saka tinaasan ito ng kilay.

"Bahay mo? If I know, bahay ito ng boyfriend ko," matapang na sabi niya.

"Boyfriend mo?" Tumawa ako ng nakakaloko sa kaniya. "Girl, hindi vitamins ang pagiging assumera, huwag mong araw-arawin, and for the record, bahay namin ito ng asawa ko and yes, I have all the rights to kick you off of our house."

"You slut!" sigaw niya.

"Sayo pa nanggaling ang salitang iyan, huh?" saad ko. "Kim, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi ka ba nahihiya na tinatawag mo akong slut pero mas malala ka pa sa akin?" tanong ko pa.

"Bakit, hindi ba totoo? Hindi ba't kaya ka lang naman naging asawa ni Zhel ay dahil nilandi mo siya at ginahasa mo siya para mabuntis ka at magkaanak kayo at dahil sa katangahan mo ay nahulog ang bata," maarteng sabi niya saka tumawa. That made me pissed. "Deserve naman ng bata iyon, kapag nagkataon ay magkakapamilya siya ng isang pokpok na nanay. Doon na lang siya sa langit."

Hindi na nito natapos pa ang sasabihin nito dahil lumipad sa pisngi nito ang mag-asawang sampal. Hindi pa ako nakunteto at pinasundan ko pa ito ng isa pang mas malutong na sampal. Tumagas na ang luha sa mata ko dahil doon. Ang saktan ako ay kaya ko pa ngunit idamay ang anak ko na kahit minsan ay hindi ko nahawakan, ibang usapan na iyon. Palibhasa ay hindi niya naranasan ang sakit at hirap na nadama ko noong oras na iyon.

"Mahamik ka!" sigaw ko sa kaniya. "Itikim mo ang bibig mo kung ayaw mong makatikim ng isa pang sampal!"

"Totoo naman 'di ba? Pabaya kang ina at malandi!" sabi pa nito kaya naman dinampot ko ang ink na ginagamit ko sa pagpinta saka ito itinapon sa kaniya dahilan para kumalat iyon sa damit niya. Nang hindi pa makuntento ay permanent ink ang binuksan ko at ibinuhos sa damit niya dahilan para magmantsa iyon.

"Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan ako ng ganiyan! Hindi mo ba alam na pera ko ang ginamit na pambili niyang sapatos at dress na suot mo? I can even file a trespassing case against you for breaking into our gates without my permission," singhal ko.

Touch Of EvilWhere stories live. Discover now