Chapter 5

6 1 0
                                    

Xiana's POV

Mapilit

Hinila ni Cyde si Samithy papunta sa labas, sumunod lang
ako sa kanila.
Nakakainis lang na hindi man
lang ako magawang samahan ni
Zach. Nasa Pool area na kami sa
Labas ng Hotel, nakita kong naupo na si Samithy at Cyde
Sa square na table umupo naman
ako sa gilid ng table tapos magkaharap si Cyde at Samithy.
Nang biglang.....

"Ano yun?"seryosong tanong ni Cyde kay Samithy.

"A-ang ano?" Kabadong tanong ni Samithy.

"Sino yung lalakeng yun?! Bakit hinayaan mo siyang gawin yun sayo?!" Galit nang tanong niya.

At heto naman akong parang baliw na nagpapalipat-lipat sa kanila ng tingin, para akong nanonood ng teleserye, nakakaimbyerna!

" Hindi ko naman hinayaan ahh! Tinulak ko siya!" Sagot ni Samithy.

"Tinulak mo siya nung nasa bewang mo na yung kamay niya?! Anong klaseng katangahan yan?!"

"S-sorry na."

"Ewan ko."

"Nag-aalala ka ba sakin?"malumanay na tanong ni Samithy kay Cyde.

"Kahit kailan hindi ako mag-aalala sayo! Mag ingat ka lang sa mga ginagawa mo!" Sumigaw si Cyde.

*PAAAAAAKKKKK!!!!!*

Ouch! Sakit nun! Sinampal ni Samithy si Cyde, alam kong nasaktan lang si Samithy sa mga
sinabi ni Cyde kung ako ang nasa
posisyon ni Samithy hindi ko lang siya sasampalin sasakalin
ko siya at tatadyakan at ililibing
ng buhay! BWAHAHAH!!! charottt lang Noh! Di ko gagawin yun.

"Ok! Mag-iingat nako sa susunod bakit mo pa ako
niligtas dun kung ganyan lang rin naman ang mga sasabihin
mo sakin?! Wag kang mag-alala
lalayo nako sayo." Umiiyak na sabi ni Samithy saka tinalikuran si Cyde, tumingin naman si Cyde sakin at...

"A- ahh susundan ko siya." Nahihiyang pang sabi ko kay Cyde at hindi niya na ako pinansin sigurado akong galit siya sinundan ko si Samithy
Tumatakbo siya at umiiyak parin.

"Sandali Sam!" Tawag ko, pero nakasakay na siya ng elevator.
Nang biglang...

"Ako nalang ang susunod sa kanya." Malungkot na sabi ni Cyde, hinayaan ko na siya dahil
lab story nila yun noh ayoko
maging kabit hahaha.
Pumunta na ako sa lamesa namin
kanina sa may pool at saka umorder ako ng wine at Beef Steak. Gagawa ako ng lab story ko kala niyo kayo lang meron non ha! BWAHAHAH!!!!!
Uminom na ako at saka kumain ng beef steak.

"Hi." Nagulat nalang ako ng may isang lalake na naupo sa harapan ko.

"Hi hello anong kailangan mo?" Kalmadong tanong ko.

"Ahh kasi kanina pa kita tinitignan at napakaganda mo
talaga." Nakangiting sabi niya.

'Alam ko tungek matagal na ako
Beauty noh.'

"Salamat." Plastik kong pasalamat.

Mayamaya lang...lasing nako
at parang hilong-hilo na ako.
"Hoy Nico! Inom pa tayo!" Siya nga pala si Nico, sa tingin ko lasing na rin siya.

"Cheers!" Sigaw ko, tumawa naman siya.

"Alam mo ba Nico iniwan na ako ng mama ko pati ang papa
ko! Nag-iisa nalang ako! Huhuhuhu! Kahit may kasama
ako sa Mansion feeling ko nag-iisa parin ako! Gusto ko naring
madeds! Huhuhuhu." Umiiyak pang sabi ko.

♡FOUNDED LOVE♡Donde viven las historias. Descúbrelo ahora