Chapter 12

8 1 0
                                    


Xiana's POV

Mom

Nagising nalang ako nang
pakiramdam ko na magigising na ako, hahaha Charr! Lahat naman tayo nagigising sa umaga
diba? So ayun na nga nagising na nga ako at nakita ko si Zach sa harapan ko na tulog parin,
pinagmasdan ko siya at hindi ko
talaga maiwasang hindi mamangha sa kagwapuhan niya
at lagi siyang mabango, tumingin ako sa lips niya at may naramdaman akong kakaiba sa
dibdib ko, ano ba itong nararamdaman ko? Hayyyy
Bahala na.

Bumangon ako sa kama niya
hindi parin talaga ako makapaniwala na magkatabi kaming natulog, ng isang Zach Avery, naupo ako sa kama niya at
tumingin ako sa direksiyon nila
Sam, nakatalikod si Samithy kay
Cyde habang si Cyde naman ay naka yakap kay Samithy mula sa likod nito, sana all
Bakit kami ni Zach hindi ganon?
HAHAHAHA! Wateva!

Kumuha na ako ng damit sa drawer ko at saka ako pumunta ng CR, pumasok na ako saka kumuha ng towel saka naghubad at naligo, habang naliligo ay
marami rin akong iniisip.

'Ano kayang mangyayari pagbalik
namin namin sa Mansion?
Matagal pa ang pasukan pero
parang kinakabahan ako.
Sana maging mas Close kaming lahat pagbalik namin sa Mansion
Sana masaya parin kami
Teka? Saan naman kaya ang bahay ni Samithy? Marami pa
akong gustong gawin kasama sila.'

Natapos na akong maligo at
nagpatuyo na ako ng katawan saka ako nag palit ng damit,
Pinatuyo ko na rin ang buhok ko
saka ako lumabas ng CR.

dO_Ob

Nagulat ako paglabas ko ng CR
ay nakita ko si Zach na nakatayo
sa harap ng pinto ng CR.

"A-anong ginagawa mo d-dyan?" Gulat na tanong ko.

"Malamang hinihintay kong
matapos ka, kasi ako na ang susunod." Sarkastikong sabi niya pa saka pumasok sa CR.

Tsk ano yun? Bakit ang init ng ulo nun? Nagtatanong lang naman ako ahhhh.
Tumingin ako kila Cyde at nag-aayos siya ng mga gamit niya habang si Samithy naman ay
ganun rin, nginitian ko nalang sila at ginantihan nila ako ng ngiti. Pumunta ako sa veranda at
tumingin sa View sa labas
nilanghap ko ang hangin at amoy
umaga nga talaga, pero iba pa rin ang amoy ng probinsya sa umaga masyadong fresh ang hangin dun kasi wala namang gaanong usok at sasakyan dun
namimiss ko na ang probinsya
ano na kayang nangyari sa bahay
namin dun? Nakalimutan ko ang
tungkol run ahhh.

Natapos nang maligo si Zach
Sumunod naman ay si Cyde at Samithy, nauna si Cyde na maligo
ha! Sunod si Samithy
hindi sila sabay naligo wag kang ano. Natapos na kaming lahat
sa pagliligpit ng gamit namin
saka namin pinuntahan si Granny sa Room niya pero wala siya doon.

"Saan si Granny?" Tanong ko sa kanila at nagkibit balikat si Samithy.

"Don't know." Ani Cyde.

"Baka nauna na sa baba." Sabi pa ni Zach, saka napagdesisyonan na naming bumaba sa second floor baka nga
kasi nandun na si Granny. Nakarating na kami sa second floor agad naming hinanap si Granny, at nakita ko siya.

"Ayun si Granny!" Turo ko kay Granny at lumingon naman sila.
Pupunta na sana kami kay Granny, pero pinigilan kami ni Zach.

"May kausap siya sa phone wag na nating istorbuhin." Ani pa nito saka pumunta na sa table namin, sumunod naman sina Cyde at Samithy pero nagpaiwan
ako, dahil gusto ko malaman kung sino ang katawag ni Granny, ang mga taga probinsya kasi mga chismosa't chismoso
kaya makikichismis muna ako
tutal nakatalikod naman si Granny sakin, nang marinig ko
ang pinaguusapan nila sa phone.

♡FOUNDED LOVE♡Where stories live. Discover now