Chapter 6

8 2 0
                                    

Xiana's POV

Nakita

Yinakap niya ako ng mahigpit wahaahaha ang init niya!

"Tama na hindi na ako nilalamig." Nakangiting sabi ko sa kanya pero tinulak niya lang
ako at saka bumalik sa kama niya dito kasi ako nakahiga sa kama ni Cyde, nang biglang
bumukas ang pinto at nakita ko si Samithy, mukhang malungkot parin siya nakita ko namang
lumabas si Zach.

"Sam ok ka na ba?" Tanong ko.
Pero biglang tumulo ang luha niya at tumakbo sakin.

"Xiana!!!!" Sigaw niya sa pangalan ko habang umiiyak.
"Hindi niya ako mahal!!!
Tinanong ko siya kung mahal niya ako pero di siya sumagot!!
ang sakit Xiana! Sana hindi nalang ako naging ganon kabaliw sa kanya!" Umiiyak siya at hinayaan ko lang siya
para mailabas niya ang sakit na
nararamdaman niya.

Ganon rin ako nung namatay si
Mama iyak lang ako ng iyak, kasi
yun lang yung paraan para mabilis mawala yung sakit na
nararamdaman mo.
Naiintindihan ko si Sam, nasasaktan siya dahil mahal niya si Cyde, at ganun rin ako nasasaktan ako kasi sobrang
mahal ko si Mama.

"Ilabas mo lang ang sakit."
Sabi ko at hinimas ang likod
niya.

Mayamaya lang tumahan na siya.

"Kakalimutan ko na siya."
Nagulat ako sa sinabi ni Samithy.

"Si Cyde?"

"Oo." Sabi niya saka pinunasan ang luha niya.

"HAHAHAHA ganyan nga bestie! No to boys muna tayo ngayon ha!" Masayang sabi ko saka nag apir kami.

Pinagmasdan ko si Samithy at parang Ok na siya.
Nung biglang....
Bumukas ang pinto.....

At iniluwa ng pinto si......

dO_Ob

Patay!

Si Cyde.
At napakalungkot ng mukha niya
tumingin siya kay Samithy.

"Iwan mo muna kami Xiana
Please." Pakiusap ni Cyde.

"Ok." Ngumiti nalang ako sa kanila saka ko sila tinalikuran.
Naabutan ko si Zach sa labas ng
Pinto.

"Papasok ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, tabi." Sabi niya pero
Pinigilan ko siya syempre.

"Nag-uusap si Cyde at Samithy dyan ano ka ba." Bulong ko sa
kanya.
"Tara sumama ka sakin!"
Sigaw ko saka ko siya hinila papaalis don.

d*_*b

dO_Ob

Samithy's POV

"Anong kailangan mo?" Walang ganang tanong ko.

"Mag-usap tayo Sam."

"Paano kung ayaw ko."

"Sam 'PLEASE'!!!"

"Oo na, ano yun?" Wala paring ganang tanong ko.

"Sumagot ka ng maayos please."

"Sige."

"Mahal moko diba?!" Tanong niya pero di ko siya tinignan.
"Look at me Sam!"
Tumingin ako sa mga mata niya
pinigilan kong tumulo ang luha ko.

Hinila niya ako papunta sa veranda at saka ako kinorner
sa dingding.

"Sam diba sabi mo kanina
na sabihin ko sayong mahal
kita?" Tumango lang ako sa
kanya.

♡FOUNDED LOVE♡Where stories live. Discover now