Chapter 20

1 1 0
                                    

Xiana'sPOV

"A-anong gaga--win mo?!" Kinakabahang sigaw ko.
Pero ngumisi lang siya.

"Sinong pinuntahan mo?" Tanong niya at napaka lapit niya sakin.

"Pinuntahan anong pinuntahan? Nagpahangin nga diba? Duhhh!" Iritadong sambit ko.

"Ahh ganun." Masungit niyang sabi saka ako tinalikuran.

"Tignan mo tong taong toh
matapos akong tanungin, mang iiwan." Sabi ko pa sa sarili ko saka umirap sa ere.

Natanaw ko siyang umakyat sa hagdan saka pumasok sa kwarto niya, saka ako pumunta sa kusina.

Pumunta ako sa kusina saka kinuha lahat ng gagamitin ko.

"MAGLULUTO AKO!" Sigaw ko pero bigla itong mag echo sa buong bahay ng tatlong beses.

Agad akong napatakip sa bibig
at napasampal sa noo ko.

"Ano ka ba Xiana ang ingay-ingay mo!" Sermon ko sa sarili saka nagluto.

Bakit nga ba hindi ko nakikitang kumain ang mga tao dito ng sabay sabay, masyadong anti-social choss!
Minsan kasi umaalis nalang sila ng hindi kumakain, lalo na si Mrs. Reinge at Granny, si Zach naman minsan lang siya kumain dito sa mansyon kadalasan sa labas, parehas lang naman siguro sila ni Cyde.

Nang matapos akong magluto ay agad akong kumain.

"Napaka boring naman sa bahay na ito, ano kaya magandang gawin?
Magpa-party?! Hahaha." Sabi ko sa sarili ko habang kumakain.

"Bakit naman ako magpapa-party? Wala namang may birthday, wala namang okasyon hahaha! Hindi naman namin anniversary ni Zach, ayy mali." natawa nalang ako sa sarili kong sinabi.

'Ano ba Xiana! Yung Zach na yun?! Masungit siya Xian, kaya
wala kang pag-asa dun hahahaha! Heeee~'

Tapos na akong kumain kaya umakyat na ako sa kwarto ko,
then naligo ako saka nagtoothbrush at natulog.

ZzzZzzz Zzz ZzzZ

1 month later

Naging onting close kami ni Zach haha, tapos pinakilala narin sakin ni Samithy ang sister niyang si Samaehya, maganda si Samaehya at mabait minsan makulit,si Samithy at Cyde
naman minsan nag aaway at nagbabati haha pero masaya naman kami sa lumipas na isang buwan na yun.

Tungkol nga pala kay Mrs. Reinge
bumalik na ulit siya sa Korea para  asikasuhin ang company nila dun at as usual masama parin ang loob ni Zach at  Cyde kay Mrs. Reinge.

Pero hayaan na natin ang mag-ina hahaha, ngayong araw kasi...

Ngayon ang araw na maghahanda kami para sa college, hindi pala maghahanda
papasok na pala haha.

"Hurry Xiana!" Sabi ko sa sarili ko habang naliligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako, wala pa kaming
uniform kaya ibang damit nalang.

Paglabas ko ng kwarto ko ay maganda na ako haha, pumunta ako sa harap ng kwarto ni Cyde
pero biglang nag-iba isip ko
uunahin ko pala si Zach, pumunta ako sa harap ng kwarto ni Zach saka kumatok.

*KNOCK! *KNOCK!

"Come in." Rinig kong sabi ni Zach, pumasok ako saka nakita ko siyang nagsasapatos.

"Hi Zach!!!!!" Masayang bati ko.

Tumingin siya sakin at ngumiti
"Hi."

"Let's go?"

♡FOUNDED LOVE♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon