Chapter 15

9 1 0
                                    

Xiana's POV

Boring

Kumain na kami sa labas at
dumeretso sa mall ng mga Avery
Ang laki nga talaga ng mall nila
Bumaba na kami sa kotse ni Samithy at naglakad papunta sa
Main door ng mall na may nakatayong dalawang guard.

"Good morning Masters." Bati pa nung dalawang guard.

"Good morning." Sagot ni Cyde habang si Zach ay tumango lang.

'Tsk bastos talaga.'

Dumaan rin ako malapit sa guard at baka sakaling tawagin niya rin akong master o mahal na Reyna, pero nabigo ako
hindi niya ako tinawag na master o mahal na Reyna.

"Hey Xiana! Let's buy some clothes?!" Pagyaya ni Samithy sa akin.

"Ha? Pero marami na akong damit eh."

"Marami na rin akong damit
noh, pero I want to buy something different."

"Sige na nga, mukhang magaganda nga ang mga tinda rito." Ani ko, saka naman kami pumunta sa girls section.
Habang si Zach at Cyde naman ay
May sariling business.

Pumili na kami ni Samithy ng mga damit, at halos lahat ng kinuha niya ay mga dress
at ako naman ay kung anong
magustuhan kinukuwa ko lang
ganon rin si Samithy.

"Try mo itong jacket Xiana
this is made in Korea, look." Inabot niya sakin ang color black na jacket abot tuhod pa Ito
at matibay, agad ko itong nagustuhan kaya kinuha ko na rin, kumuha rin si Samithy ng Pink version nitong jacket ko
marami naman kasi itong kulay
pero mas gusto ko yung kulay itim.

Bigla naman akong napatingin sa bandang kanan ko dahil may
lalaking kanina pa tingin ng tingin dito samin ni Samithy.

"Sam tignan mo yun yung gwapong lalaki run kanina pa
tingin ng tingin satin." Sabi ko pa kay Samithy at bahagyang itinuro ang lalaki, napaiwas naman ng tingin ang lalaki samin.

"Hmm! Sorry siya may Cyde na ako and besides I'm very loyal to him." Kinikilig pang sabi ni Samithy.

"Sabagay." Mahinang usal ko.

Maya maya ay tapos na kaming mamili kaya agad naming hinanap si Zach at Cyde sa loob ng mall.

"Nasan na sila?" Tanong ko habang inililibot ang paningin ko.

"Yeah where are they?" Tanong rin ni Samithy.

"Baka nauna na sa kotse."

"Susubukan kong tawagan si Cyde." Ani Samithy saka kinuha ang cp niya saka tinawagan si Cyde.

*RING* *RING*

"Hello." Ani Samithy habang kausap si Cyde sa phone.

"Oh?" Sagot ni Cyde.
Rinig ko hanggang dito dahil
malapit lang sakin si Samithy.

"Where are you?" Tanong ni Samithy.

"I'm at your car, alone." Ani Cyde.

"Where's Zach?"

"I don't know, come here Sam."

"Ok." Kinikilig pang sabi ni Samithy.

"Xiana hanapin mo nalang si Zach, pinapapunta ako ni Cyde sa car ehh." Sabi niya pa at wala na akong nagawa dahil tumakbo na siya papalayo dinala niya nalang rin ang mga pinamili ko.

"Saan ka Zach?" Tanong ko pa sa sarili.

Pumunta ako sa taas at gulat akong napatingin sa gumagalaw na hagdanan na tinatapakan ko
malapit na akong mahulog dahil
sa gulat nang may humawak sa
bewang ko.

♡FOUNDED LOVE♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon