Chapter 16

6 1 0
                                    


Xiana's POV

Good night

Pagkagising ko ay agad akong
pumunta sa CR at naligo.

"Teka anong oras na?" Tanong ko sa sarili ko habang naliligo.

Hindi ko man lang tinignan ang oras, nagmamadali kasi ako.
Kaninang tanghali kasi ay may
nadaanan kaming ice cream shop nung pauwi pa kami
Gusto ko lang tikman yung ice cream nila dito kung parehas lang ba sa probinsya ang lasa.

Tapos na akong maligo at magbihis nagpabango ako
para mabango, kumuha na rin ako ng pera sa cabinet saka lumabas ng kwarto ko.

Pumunta ako sa harap ng kwarto ni Zach at kumatok.

"Who's there?" Tanong niya mula sa loob.

"It's me!" Pag-eenglish ko.

"Tsk anong kailangan mo?"
Tanong niya ulit.

Pumasok ako ng kwarto niya
at nakaupo siya sa sofa niya habang nag babasa ng libro.

"Gusto ko sanang magpasama
na bumili ng ice cream sa labas." Sabi ko pa at yumuko.

"Busy ako." Maigsing sagot niya.
Ngumuso naman ako.
Binalik niya na ang paningin niya sa libro, umasta naman akong susuntukin siya saka ako tumalikod.

Pabagsak kong sinarado ang pintuan niya.

"Ahh! Nakalimutan ko cellphone ko!" Sabi ko pa saka tumakbo papasok ng kwarto ko at kinuwa ang Cellphone ko.

Tinignan ko ang oras. "Ha? 7:00 pm na?! Paano? Ang tagal ko namang natulog?"

Lumabas na ako ng kwarto ko at lumabas ng Mansion nasa garden na ako nang makita ko si Chong chong. May kinakahulan siya sa labas ng Gate kaya tumayo ang balahibo ko.

"S-sino yan?!" Kinakabahang sigaw ko.

Patuloy parin sa pagkahol si Chong chong kaya mas lalo akong natakot, maya maya lang ay may naka itim na lalake ang lumapit sa gate, pero hindi mo makikita ang mukha niya dahil
nakasumbrero siya.

"S-sino po sila?" Kinakabahan na talagang tanong ko.

"Sumama ka sakin." Mahinang usal niya pero rinig na rinig ko
dahil tahimik ang paligid.
Patuloy parin sa pagkahol si Chong chong.

dO_Ob

"A-ayoko nga!" Sigaw ko at onte onteng umatras.

Sarado ang gate pero hindi ito
nakalock, nasan na ba yung bwisit na guard na yun?!

Umasta yung lalake na bubuksan niya yung gate, matanda na yung lalake mukhang nasa 30
Hinawakan niya yung gate kaya
pinigilan ko siya.

"Wag!" Sigaw ko at tumigil naman siya tinanggal niya yung
sumbrero niya kaya naaninag ko
ang mukha niya, ngumisi siya ng nakakakilabot kaya sumigaw ako.

Sinubukan niyang buksan ang gate pero agad ko ulit siyang pinigilan. "Wag mong buksan
ipapupulis kita!" Bumitaw naman siya at ngumisi ng nakakatakot sakin, kahol parin ng kahol si Chong chong.

"Ahhhh!!! Tulong!!! Guard!"sigaw ko at biglang dumating yung guard na may dalang baril.

'Walang yang guard na toh
naghihintay lang na tawagin
bago lumabas.'

"Dyan ka lang!" Sigaw niya sa lalake kaya tumakbo yung lalake
dahil sa takot, natakot siguro siya
sa baril ni kuyang guard.

Tumingin sakin si kuyang guard.
"Ok lang po ba kayo Ma'am?" Tanong niya sakin.

♡FOUNDED LOVE♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon