Chapter 21

2 0 0
                                    


Xiana's POV

Calling

"Sa akin sasabay si Xiana."  Napahinto kami ni Gother sa paglalakad nang may nag salita sa likod.

Sabay kaming humarap ni Gother sa likuran at nakita namin si Zach, bumakas agad sa mukha ko ang ngiti.

"Oh! Zach?" Ani Gother.
Tumingin siya sakin.

"Uhm... Gother, kay Zach nalang ako sasabay, next time nalang!" Sabi ko pa at nginitian niya ako.

"Sige, gonna go na." Ani Gother saka siya naglakad paalis.

Tumingin ako kay Zach na nakangisi lang habang nakatingin sakin. Gulat akong napatingin sa kanya nang bigla siyang maglakad papunta sa kotse niya.

"Hintay Zach!" Sigaw ko sa kanya pero patuloy parin siya sa paglalakad kaya tumakbo ako papunta sa kanya.

"Bilis." Yun lang ang sinabi niya at pumasok na sa kotse.

Agad naman akong pumasok sa kotse at kinabit ko na ang seatbelt, tumingin ako kay Zach at napaka seryoso ng mukha niya
kaya, deretsyo lang tingin ko sa labas nang bigla niyang paandarin ang kotse.
Deretsyong-deretsyo talaga ang tingin ko sa labas, hinihintay kong mag salita siya pero nabigo ako, hindi siya nagsalita, kaya naman tumingin ako sa kanya ng palihim, deretsyo lang ang tingin niya sa kalsada na para bang may iniisip.

Hindi ko nalang siya tinignan at nag muni-muni nalang ako sa labas ng bintana.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" Seryosong tanong ni Zach na tumingin sakin pero agad ding tumingin ulit sa kalsada, kaya naman napaayos ako ng upo
at lumingon sa kanya.

"Ang tahimik mo ehh." Naiilang kong tugon.

"Hinihintay kong magsalita ka." Sabi niya habang nakatingin sa kalsada.

"Ha? Bakit naman?"
Tanong ko.

"Wala, namiss ko lang yung maingay mong bibig." Natatawang sabi niya saka tumingin sakin ng saglit.

"Maingay? Hehe hindi naman." Naiilang paring sagot ko.

Hindi na siya sumagot at nagpatuloy nalang sa pagdadrive
hindi na rin ako nagsalita dahil wala naman akong sasabihin.
Nang makarating na kami sa Mansion ay agad niyang ipinark
ang kotse niya saka naman kami bumaba.

Pagpasok namin ay agad akong pumasok sa kwarto ko at naligo
pagkatapos nun ay bumaba na ako para kumain, andun na rin ang iba na kakatapos lang ring maligo.

"Hija, let's eat." Ani Granny.

Ngumiti lang ako sa kanya saka umupo sa harap ni Zach, magkatabi naman si Cyde at Zach.

"So how's school?" Tanong ni Granny saming lahat.

"Masaya naman po, maraming friends." Nakangiting sabi ko.

'Marami ring umaaligid kay Zach, duhhh.'

"It's Fine." Sagot ni Cyde.

"Still the same." Ani Zach.

"Good to hear, ok let's eat." Ani Granny, saka kami nagsimulang kumain.

Habang kumakain ay nag-iisip na rin ako para sa school bukas, may mga plano akong gawin
bwahahahaha!
Ano kaya kung inisin ko si Zach sa school bukas hahaha!
Tapos lalabas kami ni Gother, baka sakaling magselos yung isa dyaaann!
Hayyssttt imposile Xian!
Hehehehe, haysstt ahh basta meron akong gagawin bukas
Ewan ko lang kung matutuloy o Hindi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

♡FOUNDED LOVE♡Where stories live. Discover now