Kabanata III: Ang Pagtutuos

230 56 21
                                    

Araw ng Paglilitis

Kinabukasan, matapos datnan ng mga guardia civil ng Hacienda Buenaventura ang bangkay ni Manang Lina sa silid ni Crisanta ay dali dali nila itong ibinalita kay Don Mercado Buenaventura. Mabilis ring kumalat sa bayan ang usap-usapang ang kasambahay ng Hacienda Buenaventura na si Crisanta Madelios ay isang magnanakaw at mamamatay-tao. Walang ibang ginawa ang dalaga kundi ang umiyak sa kanyang selda habang inaayos ang kahaharapin niyang kaso. Walang alam si Crisanta dahil nagising lamang itong katabi ang bangkay ni Manang Lina.

Hiniling ni Minerva na isang abogado mula sa sikat na pamilya ang magtanggol kay Manang Lina at nagprisinta itong siya ang tatayong witness sa nasabing kaso. Si Felipe naman ang tatayong abogado para kay Crisanta dahil siya ang kasama ng dalaga sa araw ng nasabing krimen kaya't sigurado siyang hindi iyon magagawa ng dalaga. Bukod sa malaki ang tiwala niya rito, alam din niyang mabuti ang kalooban ng binibini. Isa sa mga rason kung bakit nahulog ang loob ng binata sa kanya.

"Ang hukuman ang siyang dapat na tahanan sa bawat humihingi ng hustisya," panimula ng Punong Hukom na si Hukom Agustino.

"Sagrado at hindi dapat sumalungat sa inaasahan ng madla. Hindi tayo naririto sa hukumang ito upang maglaro ng tagu-taguan at patintero. Nandito tayo upang maglaro ng takip-silim, kumalabit ang tunay na may kaso. Ang pwestong kinatatayuan ko ngayon ay sinubok na ng dumadagundong na lindol, humihiyaw na ipo-ipo, at humahampas na alon dulot ng tsunami. Ngunit lahat ng iyon, ay matatag kong nalagpasan. Dahil naniniwala ako na ang bawat katagang aalingawngaw bilang pagtatapos sa korteng ito ay matalinong nahatulan nang hindi nangangahas ng sinumang tao."

Matapos magsalita ni Hukom Agustino ay nabigla ang mga tao sa korte nang ilabas na sa pinto ang nasasakdal. Punit punit na damit, puno ng sugat at mga galos ang balat. Hindi man aminin, ngunit halatang pinahirapan muna si Crisanta bago iharap sa korte. Inihatid ng mga guardia civil si Crisanta sa panig nila Felipe. Nabalot naman ng galit, at sakit ang mata ng binata nang makita nito ang sinisinta sa ganoong sitwasyon.

Sa kabilang panig naman ay nandoon si Minerva kasama ang magaling na abogado mula sa Espanya. Si Atty. Acalisto Ferrer na pinsan ng Punong Hukom na si Hukom Agustino Ferrer Aklas. Kilalang magagaling sa larangan ng abogasya ang Pamilya Ferrer sa Espanya at pati na rin sa Pilipinas. Halos lahat ng korteng natatapakan nila ay naipapanalo ang bawat kasong kanilang hinahawakan.

"!Buenos días todo el mundo! Espècialmente ñuestro querído juez hukom agustino!"
Magandang araw sa ating lahat! Lalo na sa ating pinakamamahal na punong hukom, Hukom Agustino!

"Bilang pagsisimula sa kasong ito, alam kong ang madla mismo ay salungat sa ikinikilos ng mga maalipusta at taksil na Pilipino! Iba't iba tayo ng antas at kinatatayuan sa buhay ngunit kailanman ay hindi ito naging dahilan upang gumawa ng mga bagay na mapangahas, sukdulan, at dapat ikahiya sa hukuman! Ang pagnanakaw at pagpaslang sa buhay ng isang tao ay walang kapatawaran kundi kabayaran dito mismo sa hukuman," saad ni Atty. Ferrer sabay tingin nang matalim sa panig nila Felipe

"May katotohanan ang iyong sinabi. Iba't iba nga tayo ng antas o katayuan sa buhay, sa panig niyo na mismo nanggaling Ginoong Ferrer at Binibining Minerva," pagdidiin ni Felipe sa pangalan ng dalawa.

"Ngunit kailanman ay hindi dapat natin ginagamit ang taas ng ating kinatatayuan upang manlinlang ng mga bulag, binge at pipeng mga madla dahil lamang sa kapangyarihang hawak natin. Lalo na ang pagbibintang sa isang inosenteng nilalang dahil lamang alam niyong wala itong laban o hawak na kapangyarihan at alas. Hindi tulad ng mga nagmamagaling na nasa mataas na antas o katayuan sa buhay!" dagdag ni Felipe

Kalye CrisostomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon