Kabanata X: May Karapatan ang Palay (Special Chapter)

174 52 12
                                    

An article that reflects to the status of farmers and the sector of agriculture.

Hindi Namatay si Rizal sa Luneta

Handa ka na bang umaming nalinlang ka na rin sa mapanghalinang aroma ng bayan?

Paraiso.

Iyan ang akala mo sa mundo.

Halimuyak ng mga inaliping damo at katagang nakaukit sa bato. Malawak na bukirin ngunit hindi naaakit ang aking paningin. Sa taglay nitong itim na palay at mga pulang butil ng dugo, na siyang tahimik na sumisigaw at dumadalangin nang buong puso. Maalipustang taksil mula sa katas ng putik, ngunit mas didingin pa rin ang mataas kaysa sa nakasalakot na naghihimagsik.

Malungkot na pagpatak ng araw, malabong pagsikat ng ulan.
Wala nang bituing matatanaw,
kinang na ang siyang lumisan.

Bangis ng kapos-dugong sagupaan, ang lumagapak sa hardin ng kamatayan. Taliwas na pagpapanggap sa kuntentong balikat na sinasandalan ngunit sandamakmak na boses ang umalingawngaw sa sariling hukuman.
Hingil ang dapat na saksi sa pagpapagal ng makabagong bayani, hindi ang sinseridad sa handulong ng kritikal na bumubuhay sa nang-aapi.

Malungkot na pagtanaw, ang tangi ko lamang na naibigay. Nasasakdal sa inakalang bughaw ngunit parehong umaahon ang nais na umagapay. Nauubusuan ng hininga kahit halaman ang nakapaligid. Pagod nang magtago sa maskara ng kunwaring komportableng silid.

Kasalanan bang maituturing ang pagkamatay dahil minsan mong ninais ang humimlay habang buhay?

Rizal. Bayaning tinagurian sa makalumang panahon. Ngunit sa ibang katauhan, henerasyon naman para sa mga kapepeng nakasalakot ngayon. Ang bayani sa likod ng pagkamatay nang walang sala ay hindi sa Luneta naganap. Nag-alay muna ng tumatagaktak na pawis at pagod na dugo bago humimlay sa palayang sila mismo ang naghangad.

Pamamaalam hindi lamang sa simbolismo ng pagmamahal sa bayan, kundi pamamaalam rin sa dalubsakahang walang nais kumanlungan.

Pikit mata man sa himlayan,
alipugha man ang inakalang masasandalan.

Maglalaan pa rin ng panibagong buhay sa kabanata ng asimptotikong sipnayan.

Muli silang uukit ng kataga, ngunit hindi na sa bato. Magtatanim ng inalipustang mga salita mula sa mga matitinis at sintunadong mga tono.

At itatala sa mga bituin ang paalalang dapat magnining.

Huwag hayaang mga nasa itaas ang patuloy na tingalain,
habang ang mga nasa ibaba ay patuloy na inaalipin.

Kalye CrisostomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon