Kabanata VII: Ang Isa Pang Bandila

189 59 27
                                    

Pait ng Bahagharing Pag-ibig

Pilipinas, 2018

"Mahal kita"

"Mahal din kita"

"Pero mas mahal nga kita"

"Para kang tanga"

Kapag inlove ka talaga parang ikaw na ang pinakasamayang nilalang sa mundo no? pero syempre kapag inlove lang rin sa'yo 'yung taong kinababaliwan mo.

Hindi naman masaya kapag one sided.

Walang masaya kapag one sided.

My name is Jameson Paraiso. A graduating student from Bachelor of Science Major in Architecture. Nagkaroon ako ng hindi mabilang na babae sa tanang buhay ko. Every grade level yata nakakatatlo o apat akong girlfriend noong highschool, pero never akong nawala sa honor kasi kaya ko namang pagsabayin.

Ang landi ko diba?

Atleast malandi ako with a dream and goal.

Malandi with a sense.

Pero lahat ng 'yon nabura when I met college. Yes. Ibang iba pala ang college sa inaasahan ko. In college, doon mo mapapatunayan kung matalino ka talaga. Kasi kung iisipin, basic pa pala ang maka with honor, with high honor o with highest honor sa highschool kumpara sa college.

Noong highschool, madadaan mo pa lahat sa review, memorization, reporting, pakapalan ng mukha, incentives at kung anu-ano pa.

Sa college parang lahat ng kasalanan mo simula pagkabata ay ibabalik sa'yo bilang karma.

Doon mo rin mahahanap kung sino ba talaga ang tunay na mananatili sa tabi mo. In highschool, masasabi kong wala ka pang mahahanap na true love in that young age.

Masyado pang bata.

Laruin mo muna.

Most of the reasons ng break up's ko noon ay kesyo wala raw time, wala na raw spark, may ibang kaharutan kahit wala namang label o kung anu-ano pa.

But this one's different.

When I was in first year of college, I met Daryl, Daryl Escorino. Parehas kami ng kinuhang course that made us even closer. Since lagi kaming magkasama tinatawag na kaming kambal, o kaya magkapatid. Tinatawag niya 'kong kuya minsan kahit one year lang gap namin. Mas matanda ako raw ako sa taon pero actually 2 months nga lang ang tanda ko. I was born in the November and he was born in the month of February, close month but different year pero feeling niya talaga mas bata siya sa'kin nang sobra.

Wala akong ibang kaibigan o circle of friends, siya lang. Ganun din siya sa'kin. Hindi naman sa ayaw naming makipag kaibigan pero masyado kasi kaming tutok sa pag-aaral kaya mas madalas sabay na lang kaming nagrereview o kapag may partner na activity, kami na lang dalawa. Close namin halos lahat sa school pero hindi 'yung friend talaga.

Hindi naman kasi porket close mo, kaibigan mo na.

Naalala ko nung unang beses na nagkita kami.

September, 2014

Kahit gaano katindi ang sikat ng araw, hindi pa rin ako mahinto sa paglalakad dito sa kahabaan ng kalye sa Maynila. Naghahanap kasi ako ng dorm na matutuluyan dahil next week na ang pasukan. Ang hassle mag commute araw araw, masyadong malayo ang Laguna sa Maynila kaya naisip kong magdorm na lang muna. Dahil halos tatlong na oras na akong palakad-lakaf, napagdesisyunan ko munang kumain ng tanghalian sa isang karinderya dito sa may Silangan Street malapit sa malaking simbahan.

Kalye CrisostomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon