Kabanata IX: Sa Pagdaloy ng Henerasyon

160 54 2
                                    

Ang Tao sa Likod ng Pagkamatay ni Bonifacio

K.K.K - Katapusan Kaakibat ng Kalayaan.

Filipinas, 1883

Sinimulan nang ipatayo ang isang resto sa Kalye Abueva malapit sa kahabaan ng Intramuros, Manila.

Isang resto kung saan pumipintig ang aroma ng matamis na mga pangungusap mula sa mga katipunero. Bago pa ito hadlangan ng mapait na aroma mula sa bibig ng mga maskarang kilala lamang sa publiko.

Isang resto kung saan nababago ang putahe habang nagdaraan ang mga araw.

Isang resto na uhaw sa kalayaan, kalayaang makatikim ng itinanim ng nakaraan.

Isang resto na patuloy na magbabago hangga't hindi tumitigil sa pag-galaw ang kamay ng orasan.

"Mabuhay ang Katipunan!"

"Katipunan!"

"Isigaw ang kalayaan!"

"Kalayaan!"

Dumanak ang dugo sa pagsugod ng mga bayaning walang kapa. Walang ibang sandata kundi ang itak na susulong upang makamit ang kinauuhawang kalayaan.

Magdidikta ang kasalukuyan.

Malaya na tayo.

Nang matapos ihain ni Rizal ang bawat piyesang isinulat mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Mga akdang mumulat sa lahat ng kababayan lalong lalo na sa kabataan bilang pagtatapos sa huling patak ng lason sa kanlungan nating trono.

Isinugal ni Bonifacio ang katapangan. Ang buhay sa gitna ng digmaang walang kasiguraduhan. Ang paniniwalang magagapi ang kasakiman at mananaig pa rin ang nag-aalab na damdamin upang makamit ang sinisintang bayan.

Inihain ng Heneral Antonio Luna, Gregorio Del Pilar at iba pang matatalinong sumasamo mula sa pagkamit ng tinatamasa nating asul na pag-ibig. Ang kanilang katatagan para sa Timog Silangan at kanilang matatalinong himig.

Nang maipagsama-sama ang bawat rekado ng kanilang pagkatao,

Mabubuhay ang resto.

Ipinaubaya kay Supremo ang mga sangkap ng mga dugong inalipusta. Mga bayaning ugat ng katapangan at sumang-ayon sa kamatayan bilang kapalit ng kalayaan.

Ngunit may babalang dapat itatak bago makumpleto ang rekado,

"Isalba niyo ang kabataan, sila ang anak naming mga katipunero."

Patuloy na mabubuhay ang resto hangga't humihinga ang Supremo.

Sa maikling paglakad ng panahon,
wala pang talamak na pagbabago.
Ngunit nang minsang humuni ang mga ibon,
humiyaw ang mga oso.

May masamang mangyayari, napapaligiran ng taliwas na pagpaplano.

Sa kahinaan ng katawan bilang katandaan, ay hindi na makayanan pang mamuno ng Supremo. Kampanteng walang sinumang maglalason, at hindi na natuklasan ang pagdating ng kusinero.

Kusinerong mula sa kasalukuyan,
kusinerong nakatataas,
Kusinerong nagmula sa bayan,
kusinerong hindi patas.

Malalim na ang gabi, kasing-lalim ng kinahihimlayan ni Supremo. Umaasang maisasalba ang kabataan pagdating ng pahon, ngunit may nagtangka sa kaniyang buhay paglaon. Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang kusinero ang siyang magtatangka ng buhay sa katipunerong minsang nagtanggol sa bayan.

Ang tao sa likod ng pagkamatay ni Bonifacio ay kusinero.

Kusinerong lumason sa isipan ng bawat kabataan na kalimutan ang kasaysayan.

Kusinerong lumason sa isipan ng bawat kabataan na paghirapan ang bawat bagay bago makamtan.

Kusinerong walang ibang alam kundi ang magpadala sa daloy ng kamay sa orasan.

At puwede mong tawagin ang kusinero

sa palayaw niyang kabataan.

Tayong mga kabataang nagpalason sa maitim na kaisipan mula sa makabagong henerasyon ang kusinerong pumatay sa sakripisyo nang bawat katipunero. Ang pagkalimot sa nagluklok sa atin sa posisyon ng kapanatagan, ay isang salang walang sinuman ang may pakielam. Ngunit hindi maisakatuparan na isa itong mapanakit at emosyonal na kasalanan.

Dadanak muli ang dugo, ngunit hindi na sa digmaan.

Dahil dadanak muli ang dugo, sa mga babaeng may dinadala sa sinapupunan.

At sa paglipas ng panahon,

sila na ang tatawang makabagong kabataan.

Kabataang magtitimpla ng panibagong putahe, ngunit wala nang lasong nakahalo.

Gagamitin ang pawis at nag-aalab na dugo,

makalalasap ng tinik ngunit mananaig ang nasa puso

magsisilbing magandang impluwensya,

matatalinong namumuno

At muling bubuksan ang resto,

mula sa kabataang Pilipino.

Ang Panibagong Resto ng Pilipinas
Sa Tunay nitong Kalayaan

Kalye CrisostomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon