Pasasalamat

145 35 24
                                    

Unang-una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Panginoon sa pagbibigay niya sa'kin ng ganitong kakayahan. Sobrang gandang gamitin ang larangan na 'to upang imulat ang mga tao at makapagbahagi ng kaalaman sa iba. Para sa'kin ang pagsusulat ang magdadala ng buhay sa isang mambabasa. Kaya't nagpapasalamat ako sa kanya sapagkat nang dahil rin sa pagsusulat, kaya kong iparating ang mensaheng nais kong ipahiwatig para sa lahat.

Sumunod, gusto kong magpasalamat sa aking mga kaibigan, matalik na kaibigan, sa dose kong tahanan, sa aking pamilya, sa aking mga guro't kamag-aral at sa mga kaibigan ko sa social media na hindi nagdadalawang isip na suportahan ako sa larangang nais ko. Salamat!

Ikatlo, para sa mga kapwa ko manunulat na isa sa mga naging inspirasyon ko sa pagsulat. Maraming salamat at magpatuloy.

At ang pinakahuli sa lahat, gusto kong ipabatid ang malugod kong pasasalamat sa mga taong patuloy na nagbabasa ng mga akda ko nang may nakaakibat na suporta. Maraming salamat sa mga mambabasa na isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa pagsusulat.

Alam kong madilim pa ang pangalan ko sa larangang ito. Ngunit sapat na sa akin ang mga tunay na nakakakita ng halaga sa mga akda ko. Bilang pagtapos sa pagbasa ng unang librong ginawa ko, gusto kong sabihin na mahal na agad kita.

Maraming Maraming Salamat!

Sa mga nais kumonekta, maari niyo 'kong mahanap sa bahay namin, haha joke.

For any concerns, you can reach me here:
Facebook: Eros Calypso
Instagram: @baironcapitis
Twitter: @johnbaironx
Gmail: calypso.eros@gmail.com

Kalye CrisostomoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon