"Ikatlong Pahina"

352 18 0
                                    


/Mercurians University/

/Febuary 28/

Aislinn PoV

Narito ako ngayon sa room namin at nakaupo sa bandang sulok habang nakatingin sa labas kung saan makikita ang school plaza.Napalingon ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ng M Girls.Sigurado ako na naman ang pinag uusapan nila.Kailan kaya titigil yang tatlong yan halata masyado na insecure sa ganda ko.HEHE.

"Oh my gosh girls! I'm really excited na talaga for our Post-Senior's Ball!"masayang sigaw ni Maria na halatang gustong iparinig sa akin.Ito na naman ba ang gagamitin nilang bala para mainis ako.Kailan ba mawawalan ng kabobohan tong tatlong ito.

"Me too..I even contacted a world renowned designer to do my gown!"naeexcite na sagot ni Myrione na halata sa mukhang na iniimagine ang sarili habang suot ang gown niyang gawa ng isang renowed designer DAW.

"Sino pala partner niyo?"tanong ni Melissa sa kanila.

"Syempre yung suitor ko na si Lewis!"pagmamayabang ni Maria.May nanliligaw pa pala sa babaeng to ipagdadasal ko talaga kung sino man siya.

"Atleast tayo may mga partner di tulad ng isa diyan sigurado akong walang gustong maging partner siya!"pagpaparinig ni Myrione sa akin.Diko nalang ito pinansin at binaling nalang ang tingin ko sa labas ng room.

"What would you expect!?Last Pre-Senior Ball wala rin siyang partner kasi nga ang baduy ng suot.Ang cheap!Parang hindi isang Sley wait,baka ampon lang."sambit ni Maria habang tumatawa ng nakaka asar.Hindi ko nlang namalayan na may mga luha na palang tumutulo mula sa mata ko.Diko alam bat nasasaktan ako.Dont cry!Aislinn,Dont Cry!Sabi ko sa sarili ko habang iwinawaksi sa isipan ko ang mga sinabi ni Maria.

Alam ko naman kasing walang nagkakagusto sa akin kaya walang gustong makipag sayaw sakin or maging partner ko sa mga ganitong event.Kung sana nga lang may isang taong tumanggap sa akin kahit ganito ako pero malabo,ang mga tao ngayon aminin man nila o hindi panglabas na itsura ang kanilang inuuna bago magandang kalooban.Natatawa nalang ako sa sarili ko kasi wala ng taong ganun tanging sa mga wattpad book lang sila nageexist.Kaya minsan gusto kong hilingin na sana mabuhay sila.Na sana totoo nalang sila.SANA.

"She really don't fit to be a Sley!"paulit ulit na nagplay sa utak ko ang sinabing iyon ni Myrione.Hindi ko na nakaya ang mga sinasabi nila kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko.Dali dali kong kinuha ang bag ko at umalis sa room.Narinig ko pa ang tawanan nila bago ako makaalis.

Napagdesisyunan kong pumunta sa library para magbasa.Yun lang naman kasi yung ginagawa ko pag malungkot ako.Ewan masaya ako pag nagbabasa.I feel like im secured when I'm with books.

Pagpasok ko ng library may mangilan ngilang estudyante ang narito at nagbabasa ng libro.Naglakad ako palibot sa library at naghanap ng babasahin.Habang naglilibot ako may nakita akong pamilyar na tao.Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Miss?"bungad ko sa babaeng pamilyar sa akin.Humarap siya sakin at hindi ako nagkakamali dahil siya yung babaeng nabunggo ko nung isang araw nayun.Noong araw na pinagalitan ako ni Mama dahil nakipag away ako kay Maria.

"Anong kailangan mo iha?"mahinahon niyang tanong sa akin at ngumiti ng pagkatamis tamis.Sobrang ganda niya,gosh! natotomboy na ata ako.

"Gusto ko lang po ulit humingi ng tawad sa nagawa ko noong isang araw"pagpapaliwanag ko sa kanya

"Huwag kang mag alala mabuti naman ang naging pakiramdam ko."sabi niya sa akin na hindi parin nawawala sa mukha niya ang ngiting mas lalong nagpapaganda sa kanya.

My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon