"Ikasampung Pahina"

217 14 0
                                    

Aislinn's PoV

/March 15/

"My baby is so beautiful"bungad sa akin ni Mama pagkababa ko ng kwarto ko.I'm wearing a black sleeveless gown and black stiletto.It's our prom today I mean tonight.Medyo sumasakit nga ang mata ko kasi hindi ako sanay magcontact lens.Sabi ko naman kasi kay mama mageyeglass na lang ako pero ayaw niya.

"Kanino pa ba yan magmamana"pagyayabang ni Papa

"Sa akin syempre!" segunda naman ni mama.

"Well hindi na ako aangal.Maganda naman talaga ang asawa ko."sabi ni papa tsaka hinalikan si Mama.Napatawa nalang ako sa kilig,itong si mama naman namula ,akala mo naman teenager pa.HAHAHA

"Tumigil ka Miguel!"saway ni Mama kay Papa na kanina pa siya inaasar.

"By the way sino partner mo?Don't tell me wala ka na namang partner?" nakataas ang kilay na ani ni Mama.

"Well---Ma!Ano---Kasi" pautal utal kong bigkas.

"Well ano?" ani niya habang nakataas ang kaliwa niyang kilay at pinaulanan ako ng masamang tingin.

"Well Ma kung patuloy pa tayong mag uusap dito baka nga iwanan na ako ng partner ko" natatawa kong ani.Nanlaki ang mata ni mama mukhang nagulat siya na may partner.

"Really?Asan siya?What's his name?His family background?"sabay nilang tanong ni Papa.

"You will know him soon"sagot ko nalang kina Mama.

Nandito ako ngayon sa kotse na dala ni Logan.Nagulat nga ako nang makita ko siya kanina na may dalang kotse.Tinanong ko pa siya kong paano siya nagkaroon ng kotse.Akala ko nga nagnakaw natong lokong to.Pero he explained naman na isinulat niya sa libro na may kotse siya.Kaya ayun instant kotse. Sana ol ganun lang kadali magkaroon ng kotse.Isusulat lang sa libro din ayun na meron kana.Well,baka nagtataka kayo kung paano siya nakasulat kung ako hindi pwede.Well diba siya at ang libro ay iisa,remember what Anastasia said.

Nababalot ng katahimikan ang loob ng kotse ni Logan ngayon.Bakit?Nung pinakita niya kasi yung libro kanina.It was already in chapter 20 bigla tuloy akong nalungkot ng malamang ilang chapter nalang magpapa alam na si Logan.15 chapters nalang!15 CHAPS!MY GOSH!Hindi ako sure kong anong mangyayari sa akin pag mawala na si Logan.Feel ko mahihirapan akong mag move on,nasanay na kasi akong nandiyan palagi si Logan sa tabi ko everytime may problema o kaya malungkot ako.It's been 2 weeks narin simula ng mabuhay si Logan sa mundo ng mga tao.

Napatingin ako sa labas ng maramdaman kong huminto ang kotse.Nasa MU(Mercurians University) na pala kami.Unang lumabas si Logan at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Thank you" nakangiti kong lintaya na sinuklian din niya ng matamis na ngiti.

Medyo konti nalang ang taong nasa labas ng MU mukhang nagsisimula na ang Prom.Sa Gym ang Venue ng prom since malaki yung gym ng MU.Napapatingin sa amin ni Logan ang mga taong nakakasalubong namin.Well sanay naman ako na tinitingnan ng tao since anak nga ako ng isang Sley pero iba yung tingin nila ngayon parang--Ewan kong totoo ha--Pero parang pagkamangha yung tingin nila sa akin.Well baka nagiilusyon lang ako baka hindi sa akin nakatingin baka kay Logan.

"Don't mind them!"sabi ni Logan ng mapansing parang naiilang na ako sa tingin ng mga taong nakakasalubong namin.Hinawakan niya ang kamay ko like he was telling me that he's here for me.Hawak hawak niya ang kamay ko habang sa kabila niya ay ang libro ng WB(Wanted Boyfriend).

Nang pumasok na kami sa gym all eyes are on us.Literally!As in!Lahat sila nakatingin sa amin.Big deal ba na magkasama kami?Or Big deal na naka gown ako.

"We acknowledge the arrival of---who?---sino?--Sure ka?--Si Aislinn yan?--My apologies--Ahmm Again---We acknowledge the arrival of Aislinn Agasthi Sley Leight, daughter of the successor of Sley Empire"bungad ng emcee na hindi pa makapaniwalang ako yung dumating.Na awkward tuloy ako dahil lahat sila nakatingin saming dalawa.Nagtungo nalang ako sa table namin.Pagdating ko doon bigla kaming sinalubong ng tingin ng mga kaklase ko na tila hindi makapaniwala na ako yung dumating.Do I really look awkward?

"My gosh Aislinn!Ang ganda mo ngayon tsaka sino yang kasama mo.Kyaaaahh~~~Yan ba yung palaging tumatawag sayo ng Squishcake--ang gwapo niya!" bungad sa akin ni Glyzah na kilig na kilig kay Logan at yung loko kumindat pa.

"Are you dating?or are you in a relationship already?" pangaasar ni Leonora na halata sa boses nito ang kilig na sinegundahan naman ng iba pa naming kaklase.

"Nagparetoke ka ata?"napalingon ako sa likod ko nang biglang may nagsalita.As usual yung M Girls na naman.

"Naiinggit ka ata!" pang iinis ko sa kanya.

"Ako maiinggit sayo?Asa ka!Talaga namang mas maganda ako sayo.Well,kasi hindi ka naman talaga maganda in the first place.Mukhang malulugi ang Sley Empire sa ginawang make over sa iyo." mapang asar niyang ani na halata sa kaniyang boses ang inis dahil sa sinabi ko kanina.

"Pero nathreaten ka pagkakita mo sa akin" nakangisi kong sambit

"At sinong nagsabing nathreaten ako?"pagtataray niya habang nakapameywang.

"Halata sa mukha mo.Your face screams insecurity.Dont worry sasabihin ko sayo sekreto ko."sabi ko at dahan dahang lumapit sa kanya.

"Pakuluan mo sarili mo then bawasan mo yang mukha mo dahil sobrang kapal na kasi" bulong ko kay Maria na lalong nagpainit sa ulo niya.

"Argh!I hate you!!!"sigaw ni Maria at akmang sasampalin na ako.Biglang humarang sa harap ko si Logan kaya siya ang nasampal.Kita sa mukha ni Maria at ng mga taong nakapaligid sa amin ang pagkagulat.

"I'm sorry Logan--Im really sorry--Bakit ka kasi umiwas?"paghingi niya ng tawad na halatang parang inaakit si Logan.Suzme ang kalandian ni Maria umaatake na naman.

"It's okay---I'm fine" walang ganang sambit ni Logan.Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Let's go" bulong niya sa akin kaya tumango nalang ako kasi nawalan na ako ng gana.

"Our Prom Queen is none other than Aislinn Agasthi Sley Leight" napalingon ang lahat ng tao sa akin habang ako ay napatingin sa emcee na hindi makapaniwala sa narinig ko.

"Ms.Aislinn?Can you come up here in the stage" anyaya sa akin ng emcee kaya wala na akong nagawa.Lumingon ako kay Logan at nakangiti siyang tumango hudyat na pinapayagan niya ako.

Habang naglalakad ako papunta sa stage ewan pero bakit kinakabahan ako.Pagkasampa ko sa stage agad kong tiningnan ang kinalalagyan ni Logan.Pero hindi kona siya makita sa table namin.Nagulat nalang ako ng makita ko siyang nasa harap ko at dala dala ang isang kamera at yung libro.Ipinatong niya ang libro sa may lamesa.Ibinigay sa akin nung emcee yung mic at gusto ata akong magsalita ng kahit konti.Ano toh?Graduation!Nanlaki ang mata ko ng nasagi ni Logan ang lamesa at biglang nahulog ang libro.Parang huminto ang mundo ko nang mapagtantong maaring maglaho si Logan.Hindi pwedeng mangyari iyon dahil maraming makakakita.Kaya dali dali akong bumaba pero huli na ang lahat dahil nahulog ito nang NAKASARA!

Pakiwari ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko at biglang--

*Katapusan ng Ikasampung Pahina*

▪Follow my other Social Media Accounts:

FB:Timothy Jeon

TWT: @timothyjeon23

Other Wattpad Account: RA_wizard

My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon