"Ikadalawampong Pahina"

156 8 0
                                    

Aislinn's PoV

"Anastasia" mahina kong sambit nang makita ko si Anastasia.Nakatalikod siya pero kilalang kilala ko ang puting damit na suot niya ngayon.Napalingon ako sa paligid ko sobrang dilim at ang tanging naaaninag ko lang ay si Anastasia.

"Anastasia" tinawag ko siya ulit pero hindi parin siya lumilingon sa akin.Napagdesisyunan kong ako nalang ang lumapit sa kanya.Paghakbang ko papalapit sa kanya napalingon ako sa bandang kanan ko.Nagulat ako nang makita ko si Logan at si Kyla.

Logan was hugging Kyla.Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.Pakiramdam ko ay pinupunit ang puso ko.Nakangisi si Kyla habang nakatingin sa akin.Ang saya saya niya habang niyayakap niya si Logan.Hindi ko namalayang may mga luha na palang tumutulo mula sa mata ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit sa kanila.Habang lumalapit ako sa kanila ay tila mas lalo lang akong lumalayo.Napahinto ako nang may humawak sa kamay ko.Paglingon ko ay nakita ko si Anastasia.

"Baguhin ang nangyayari.Ibalik ang lahat sa dati.Kung paano nagsimula ay ganun din matatapos.." sabi ni Anastasia.

"Squishcake Wake up" Inalog alog ako ni Logan para magising ako.Panaginip lang pala ang lahat ng iyon.

"Anong nangyari?" inaantok kong sambit.Inunat ko ang katawan ko at nagulat ako nang mapagtantong iba na ang damit na suot ko.Otomatiko kong hinila ang kumot at itinaklob sa sarili ko.

"Anong nangyari?WAHHHHHHHH!Logan!Wag mong sabihin na!--Oh my gossshh!---Ang harooot kooo!--No!--Hindi pwede, ang bata bata kopa para mabuntis!Hindi to pwede!--Hindi!--No way!" sunod sunod kong sigaw habang ginugulo ang buhok ko.

"Pffft--What are you saying squishcake?" natatawang sambit ni Logan.Inilapit niya ang mukha niya sa akin at otomatikong pumikit ang mata ko.

"WAHAHAHAHA" Inis kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin si Logan na nakahiga na dahil sa lakas ng pagtawa niya.

"Letche ka!Umalis kana nga!---Bumaba ka!" Inis akong bumangon sa kama at dali dali akong lumabas ng kwarto.

"Gising kana pala anak?" bungad sa akin ni Manang.

"Oo Manang--Goodmorning Po" nakangiti kong bati sa kanya.

"Nasaan na pala yung gwapong binata kagabi?" tanong ni manang habang nagsasalin ng tubig sa isang baso.Ako naman ay umupo na sa kainan.

"Andun pa po sa taas" walang gana kong sagot.Naiinis talaga ako sa kanya!

"Edi pababain muna para makakain narin iyon.Sigurado akong gutom na gutom na iyon,kanina kapa kasi nun hinihintay na magising" mapang asar na sambit ni manang na nagpamula sa aking mga pisngi.

"Naku Manang may paa naman po siya at tiyaka malaki na po siya kaya na niya yun." sabi ko at sumubo ng pagkain.

"Naku Ikaw talagang bata ka!Nakapagpasalamat kana na ba dun sa binatang yun?" napakunot ang aking noo dahil sa itinuran niya.

"Siya kasi ang nagbuhat sa iyo kagabi at nagpalit ng damit mo" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni manang dahilan para mas lalong mamula ang aking pisngi.Makahulangan akong tiningnan ni Manang pagkatapos ay napabungisngis siya.

"WAHAHAHA--Hindi kana mabiro--Huwag kang mag alala,ako ang nagpalit ng damit mo." Hindi ko mapigilang hindi tumawa sa sinabi ni Manang.Nakahinga naman ako ng maluwag at nakangiting sumubo ulit ng pagkain.

"Good Morning Manang Sayong!" malakas na sigaw ni Logan habang bumababa siya ng hagdan.

"Good morning din pogi.Bilisan mo at kumain kana." Masiglang sambit ni Manang at sinaluduhan naman siya ni Logan.

My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon