"Ikadalawampu't walong Pahina"

163 7 0
                                    

Aislinn's PoV

"Anastasia" sambit ko nang makita ko si Anastasia na nakatayo sa harapan namin.

"Anong nangyayari kay Logan? Bakit naglalaho siya?" mangiyak ngiyak kong tanong kaniya.

"Hinangad mong mawala siya at ito'y iginawad. Umayaw kana sa kaniya kaya siya'y mawawala. Kung anong iniisip ng utak ay siyang ititibok ng puso. Kung ano ang ititibok ng puso ay siyang gagawin ng libro" makahuligang lintaya ni Anastasia habang tinitingnan ako.Ako pala ang may kasalanan kung bakit naglalaho si Logan. Ako pala ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Dahil sa ginawa ko kanina, inisip kung sana mawala nalang siya. Yung galit at poot na naramdaman ko kanina ang siyang nagpapadurog sa sarili ko ngayon. Sorry Logan. I'm sorry. Kasalanan ko ito.

Tiningnan ko ang maamong mukha ni Logan.Hinalikan ko ang noo niya habang pinipigilan ko ang aking paghikbi.

"Aisli---whoa---who is she? Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Jhon Rey nang makita niya kami.

Tiningnan niya si Anastasia habang namamangha sa taglay nitong kagandahan. Napatingin din naman siya kay Vangie na ngayon ay yakap yakap ang kaniyang tuhod at hindi mapakali.

"Sino sila?" bulong sa akin ni Jhon Rey nang makalapit siya sa akin.

"Anong nangyari sa kanya?" sunod na tanong ni Jhon Rey nang makita niya si Logan.

Hindi ko siya kinibo sa halip ay nakatingin lang ako kay Logan. Bakit ganito? Bakit mo ako iniwan? Akala ko ba magiging totoo ka pa? Sana kasi totoo ka---Sana....

"Anastasia may pag asa pabang maging totoo si Logan?" desperado kong tanong. Oo, gusto ko na maging totoo si Logan. Ayokong mawala siya. Mahal na mahal ko siya.

"Maaari" para akong nabuhayan ng loob sa sinabi ni Anastasia. Inihiga ko ang ulo ni Logan sa sahig at tumayo ako upang pantayan si Anastasia.

"Talaga? Paano? Sabihin mo sa akin, gagawin ko ang lahat mabuhay lang si Logan" sunod sunod kong ani. Ngumiti naman sa akin ng makahulugan si Anastasia.

"Ang iyong hiling ay matutupad lamang kung makuha mo ang Potión de la vida na matatagpuan sa kaharian ng Terra" ani ni Anastasia. Ano daw Potión de la vida?Ano iyon? Bahala na, kung iyan lang ang tanging paraan para magising si Logan. Gagawin ko! Kahit hindi ko alam kung anong panganib ang nag aabang sa akin, gagawin ko parin ito.

"Paano ako makakapunta diyan sa tinatawag mong Terra?" tanong ko.

"No, Aislinn hindi ka pupunta doon!Paano pag mapanganib doon! Tsaka aaminin ko, maganda ang babaeng iyan pero, naku naman parang may sira ata utak niyan." medyo galit na ani ni Logan habang tinatapunan ng mapanghusgang tingin si Anastasia

"I know her. I know that I can trust her. I want Logan to live--I love him. Kaya Please, hayaan mo nalang ako. Alam ko ang ginagawa mo" tiningnan ko sa mata si Jhon Rey, giving him the assuring look.

"Kung hindi kita mapipigilan atleast isama mo ako.--It's not a request---Isasama ako!" maotoridad niyang ani.

"Delikado doon"

"Ikaw na ang nagsabing mapanganib doon, kaya sasama talaga ako!" pamimilit niya.

"Per---"

"Hep--Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo!" putol niya sa sinasabi ko. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin kay Anastasia.

"Sige na Ms.Fairy, or kung sino kaman. Paano kami makakapunta doon sa sinasabi mo kanina?"

My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon