"Ikalabing-pitong Pahina"

176 10 0
                                    

Aislinn's PoV

/March 22/

"Kyla?" mahina kong usal.Napaawang ang bibig ko at nanlaki ang mata ko nang masulyapan ko ang mukha ni Kyla Gozon.Kung hindi ako nagkakamali siya si Kyla Gozon,ang kontrabida sa librong aking binabasa.

Kung noon ay namamalikmata lang ako,ngayon alam kong totoo na ito.Alam kong nakalabas na ang kontrabida sa libro.Pero paano?

Agad akong tumayo at lumapit sa kinaroroonan nila.Nagulat pa silang dalawa nang makita ako.Hinawakan ko nang mahigpit ang braso ni Kyla.Alam kong may nangyari at may mangyayari mali.

"Anong ginagawa mo dito?" sambit ko habang hawak hawak ko ang braso niya.Nakita kong nagulat si Myrionne habang nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Kyla.

"Don't touch her nga.Warfreak ka talagang babae ka!Ni hindi ka nga niya kilala!" galit na usal ni Myrione kaya napatingin ako sa kanya ng masama.

"Shut up Myrione.I'm not talking to you!" inis kong usal sa kanya.Ibinaling ko ulit ang atensyon ko kay Kyla na ngayon ay halata mong naiinis at nagtataka sa inaasta ko.Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nakaramdam ng takot.Iba magalit si Kyla according sa libro.Alam kong kaya niyang gawin ang mga ginawa niya sa libro.

"Get your dirty hands away from me!!!" marahas niyang itinabig ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang braso niya.

"Don't touch me!I don't know you,so please back off." inis niyang sambit at pinalayo ako.

"No,we need to talk" hindi ko na ininda ang takot na nararamdaman ko at agad ko siyang hinila palayo sa room namin.

"Ano ba!Where the hell are you going to take me?" naiinis niyang usal habang hinihila ko siya papunta sa Althea's Park.

~Althea Park~

"What do you want?" naiinis niyang sambit nang makarating kami sa Park.

"Bakit ka andito?" walang pag aalinlangan kong tanong sa kanya.Gumuhit sa kaniyang mukha ang pagtataka.

"Huh?Why is this your school?" mataray niyang tanong."Oo,amin itong school na ito".Kung pwede ko lang sabihin yan ngayon edi sana sinabi kona.Pero ayoko!This is not the right time to brag.

"Alam kong hindi ka dito nakatira.Alam kong mula ka sa libro.Kaya kung may nalalaman ka kung bakit ka nakalabas ng libro, nagmamakaawa ako sayong sabihin mo sakin yung dahilan." mahaba kong lintaya dahilan para mas lalo siyang naguluhan.Alam kong nagulat siya pero hindi niya ito ipinahalata sa akin.

"What the hell are you talking about?" pagtanggi niya

"Huwag muna akong lokohin.Alam kong ikaw si Kyla Gozon mula ka sa libro."mahinahon pero may diin ang pagkakasabi ko

"Why do you know?Are you from the book also?" nagtataka niyang tanong.So alam niya?Alam niyang mula lang siya sa libro.Alam din ba niya jung bakit siya nakapunta dito?

"Hindi pero--" nag aalangan kong ani.Dapat ko bang sabihin sa kanya na maaaring ako ang dahilan kong bakit siya nakalabas ng libro.

"Pero ano?" inis na tanong ni Kyla.

"Pero--" kinakabahan kong sagot.

My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon