"Ikadalawapu't tatlong Pahina"

144 8 0
                                    

Aislinn's PoV

"Aislinn" napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Jhon Rey.Lumabas ako ng tent at doon ko siya nakita.Nakangiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya.

"Nagising ba kita?" ani ni Jhon Rey.

"Hindi naman" nakangiti kong sambit.

"Ganoon ba.Magsisimula na kasi yung activity natin kaya tinawag kita" pagpapaliwanag niya.Tumango naman ako bilang sagot.Wala kasi akong ganang magsalita.Ewan ko simula ng mawala si Logan tinatamad na akong magsalita o gumalaw man lang.Nawawalan narin ako ng ganang kumain.Madalas na akong natutulog.Ang boring ng buhay ko nang nawala si Logan.Madalang nalang ako ngumiti at palaging nakapoker face.

Nauna si Jhon Rey maglakad habang ako naman ay nasa likod niya.Hindi ako mapakali feeling ko kasi may nakatingin sa akin.Actually, hindi ako naniniwala na wala na si Logan,feeling ko andito lang siya.Feeling ko palagi siyang nakatingin sa akin.Haysst.I miss him.

Pagkadating namin doon sa parang base camp,sobrang dami ng estudyante.May bonfire sa gitna habang yung mga estudyante ay nakapalibot dito.Nasa gitna din yung parang camp leader namin.

"So ngayong gabi mangyayari ang first activity ng camping natin" panimula ng Camp Leader.Umugong ang nakakabinging hiyawan dahil sa excitement ng mga kapwa ko estudyante.

"Quiet Students!Our activity is a treasure hunting game--Form a group compose of five.Each group will be given a clue and a map.The first team that will go back here and bring the treasure will gain a reward."
Ani ng Camp Leader at sinundan ito ng hiyawan ng mga estudyante.

"Tayo nalang magkagrupo Aislinn" yaya ni Jhon Rey at tinanguan ko siya bilang sagot.

"Sali nalang din kami" ani ni Leonora habang hinihila papalapit si Glyzah.

"Kailangan pa natin ng isa" sambit ni Jhon Rey habang tinitingnan isa isa ang mga kaklase namin.

"Can I join you,Jhon Rey?" malambing na sambit ni bruha, I mean Maria.

"Let me ask Aislinn first--Can she join?" ani niya at tumingin sa akin.Nakita ko namang tumingin rin sa akin si Maria nang masama.Aba baka hindi ako pumayag hinayupak siya.Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong niya.Kung hindi lang ako mabait eh.

"Yes!" masayang sigaw ni Maria at pinulupot ang kamat niya sa balikat ni Jhon Rey.

Nauna na akong naglakad sa kanila.Nakatayo ako sa harap ng kakahuyan at hinarap ang sinag ng buwan.Makikita mula sa kinatatayuan ko na sobrang dilim sa loob ng gubat.Nandito kasi kami ngayon sa isang gubat.Every year ito yung gubat na pinupuntahan ng school.If i'm not mistaken dito nahulog si Tita noon.Si Tita Althea kaya iba yung mukha niya kila mama.Gabi na at tanging liwanag sa buwan lang ang nagsisilbing ilaw namin.Pinagbawal kasi kaming magdala ng cellphone wala rin namang signal dito.Bawat isa sa amin ay may dalang flashlight.Napalingon ako sa likod ko nang makarinig ako ng mga yapak.Nakita ko si Jhon Rey na papalapit sa banda ko.Nakita ko ring sumusunod sa kaniya si Maria.Dali dali akong nagtago sa isang puno.Pigil hininga ko silang tiningnan habang papalapit sila sa banda ko.

"Ano bang problema mo Maria!?" inis na sigaw ni Jhon Rey.

"That Aislinn!--Siya yung problema ko!Sagabal siya sa lovestory natin!" naiinis na ani ni Maria.

"Anong lovestory?" nagtitimping sagot ni Jhon Rey.Wala akong kibo habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Matagal na tayong tapos!" segunda ni Jhon Rey.Nagulat ako sa sinabi niya.Wait!Dont tell me mag ex sila?What!?--Shuta,Seryoso!?--Bakit hindi niya sinabi sa akin!WAAHHHHHH!Wala akong alam na naging sila pala

My Boyfriend Is A Fictional Character[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon