Chapter 5

12 0 0
                                    

Tuloy tuloy ang hakbang namin palabas ng simbahan ng biglang hinarangan kami ng mga kakila.

"Bonica! It's a good thing that you attended. It's nice to see you again. You look gorgeous!" Sabi ng isa sa mga family friend namin.

"Thank you auntie." Yan lamang ang nasabi ko at agad na ipinalibot ang tingin upang hanapin ang aking mga magulang.

Sakto namang palabas na sila kasama ang groom and bride.

Napatingin sila sa gawi ko. Probably because among all the visitors, I am just the only one wearing red to think that the motif was silver.

Oh diba ang layo?

Sabagay, wala naman talaga akong alam na detalye kasi hindi ako nagtanong. Mismong pangalan ng groom nga hindi ko alam kasi nag conclude agad ako. This is what I sometimes call "Bon's block-head time"

I waved my hands in the air as I excitedly ran towards them. Nakasunod lamang si France sa akin.

"Hey ma, pa." I greeted as I kissed them on the cheeks.

Kitang kita ko ang galak sa mukha ng aking magulang. Parang may humahaplos sa aking puso habang nakikita silang ganito.

Pagkatapos ay inilipat ko ang atensyon kina Key at sa asawa niya na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"Uhm... Key, congratulations. Enjoy life being tied to the man you love." I said and smiled genuinely.

I didn't act when I greeted her kasi kailangan ko na talagang tanggapin na wala siyang kasalanan sa akin. It's just I'm stupid to drag her in my anger because Marshall rejected me.

"Thank you Bon. Mabuti at nakarating ka. Alam mo ba, nagtatampo ako sayo kasi hindi ka nakarating noong engagement party. I've been praying really hard last night na sana ay makapunta ka and God heard my prayer." Sagot niya.

Pagkatapos niyang magsalita ay natahimik ang lahat at napatingin sa bandang likuran ko.

Nang sundan ko ang kinapapakuan ng kanilang tingin, napagtanto kong si France pala ang nakakuha ng atensyon nila.

Tumikhim muna ako para kunin ang atensyon nila.

"This is France Lopez. My... Friend." Pagpapakilala ko kay France.

At first I was hesitant thinking na kapag nalaman ni Marshall na magkaibigan lang pala kami ni France ay iinsultuhin niya ulit ako pero mas nanaig ang palaisipan ko na hindi pwedeng paasahin si France sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanya bilang kasintahan sa harap ng aking mga magulang.

"Hi. It's nice meeting you all po." Ani France sa magiliw na paraan at binigyan ng ngiti ang aming mga kaharap.

A smile flashed on my parents lips giving me a strange look kaya naman ay napakunot ang noo ko.

"What's with the look Ma?" I asked.

"Wala naman. O sya! Let's go to your grandma's mansion now dahil doon gaganapin ang celebrasyon." Putol ng ina ko sa aming pag uusap kaya naman ay nagkanya kanya na kaming sakay sa mga dalang sasakyan.

France just followed my parent's car going to my grandmother's house.

At nang makarating ay dire diretso na kaming pumanhik papasok.

The celebration was held in our garden. It look wonderful with designs. I salute the organizer very much.

Umupo na kami sa aming mga silya. Nakahalo kami ngayon sa mesang kasama ang pinaka close na family friend namin which is the Vandross.
I immediately noticed his dark eyes.

Regaining Bonica's LoveWhere stories live. Discover now