Chapter 6

14 0 0
                                    

There I saw Marshall standing. His eyes were pitch black and was hooded at me and France.

"Are you okay Mr. Vandross?" Someone asked him kaya naman naputol sandali ang masamang titig nito sa amin.

Agad na tinanguan lamang siya ni Marshall at nagpatuloy na ang celebrasyon. Ngayon ay matutunghayan na ang sayaw ng bride and groom.

"Excuse me for a while France. Restroom muna ako." Pagpapaalam ko at dali daling nagtungo sa restroom.

Pagpasok ay napayuko ako habang ang mga kamay ko ay nakatukod sa sink.

Gulong gulo na ang isip ko. How come his actions contradict his words? Naiinis na ako! Hindi naman yata pwedeng mag iba agad ang ihip ng hangin.

I was washing my hands when the door of the restroom slammed. Bahagyang nagulat ako ng makita ang bulto ng lalaki papasok na napagtanto kong si Marshall pala.

"Hey! Hindi ka pwede rito!" Pagpapaalala ko.

He looks fuming mad. Ramdam na ramdam ko sa aura niya at mas lalong napatunayan ito ng malakas na sinarado niya ang pintuan.

Medyo napatalon ako dahil hindi ko inaasahan ang magiging kilos niya.

Sa mabibigat na hakbang, he closed the gap between the two of us leaving only an inch.

"You're a liar!" He howled like an angry lion making me shut my eyes because of feeling a slight fear. Mabuti na lamang at sa tingin ko'y hindi maririnig ang lakas ng boses niya sa loob dahil may musikang naka play at busy ang lahat sa panonood sa bagong kasal.

Tahip tahip ang kaba sa aking puso ng marinig ang sigaw. This was the first time I saw him mad like this. Pero kahit ganito, hindi ko kayang mag isip ng positibo dahil baka umaasa lang pala ulit ako sa wala. Please... Just please stop because you're messing my mind!

I composed myself for a while.

"Why the hell are you accusing me of being a liar? Marshall, wala akong matandaan!"

Tumingala siya at minasahe ang kanyang noo. He look frustrated of me saying that I can't remember lying to him.

Eh sa totoo naman talaga na wala akong maalala. Kung ang sinabi kong aalis ako ngunit nandito ako ngayon, well aalis rin naman ako sa susunod na mga araw kaya wala siyang dapat ipag alala.

Pero ang tanong? Para saan pa ang pag alis ko kung wala naman siyang aasahan kay Key?

"Sabi mo, mahal mo ako pero isa kang sinungaling! Excited ka pa nang isinusuot sayo ng France na yun ang garter sa paa mo!"

What the?

"Anong drama ito Marsh?" I asked even though I'm starting to feel different.

"You made me confuse for months damn it! Pero pinanghawakan ko yung sinabi mong mahal mo ako tapos makikita ko ang landian niyo ng laruan mo sa harap ko? This is bullshit!" He fired making my jaw drop.

Ano daw? I've been confusing him for months now? Ibig ba niyang sabihin na may nararamdaman rin siya sa akin?

"Bullshit talaga Marshall! Ano ang ibig mong sabihin? Na may sumibol na pag ibig para sa akin diyan sa puso mo? Eh gago ka pala eh! Baka epekto lang yan ng pagiging bigo kay Key, kaya pupulutin mo ulit ako na parang basahan." Nanginginig na sumbat ko sa kanya pabalik.

"So ano ang tawag mo dito ha? Kasi kung sa totoo lang, ayaw ko ring maramdaman ito eh. If you still love me, give me a chance to know you more. I hate feeling this Jealousy and worry that you would slip away the second ti-"

I cut him off with a slap. Naiirita ako na napakakapal ng mukha niyang akusahan ako na nagsinungaling lamang ng sabihin kong mahal ko siya.

Galit na galit ako na huli na ang lahat at may gana pa siyang sabihin na kung may pagtingin pa rin ako sa kanya ay bigyan ko siya ng pagkakataong makilala ako ng lubusan.

Bakit ako ba? Binigyan niya ng pagkakataong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko?

Suklam na suklam ako na pagkatapos ng lahat ng pagtataboy niya sa akin ay may tapang pa siyang sabihin na nagseselos ay nag aalala siya na mawala ulit ako.

Ano to lokohan?

At higit sa lahat gigil na gigil ako sa katotohanang nakita niya lang ang halaga ko ng nawalan na siya ng pag asa sa pinsan ko. It might just be his ego and not what he claimed to be the love for me.

Ngayon ko lang namalayan na unti unti na palang tumutulo ang luha ko. Nakakatawang isipin na pagkatapos ng isang taon, iiyak pa rin pala ako sa harapan niya.

Agad na pinalis ko ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi.

Be strong self. Please... Just please don't waver!

Pagpapaalala ko sarili bago napagdesisyunang hayaan siya doon at mas mabuti pang bumalik nalang sa pakikisaya. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng pintuan ng pigilan niya ako.

"Bon! Just... Just please give me a chance."

Kung nitong mga nakalipas na oras ay medyo humupa ang galit ko, ngayon ay umalab itong muli, dahil sa kinikilos niya ngayon ay naaalala ko kung gaano ako kabobo para magmakaawa at nasaktan noon.

My breathing became raged as I remembered how weak I am in the past.

Now Marshall Vandross, If you want to regain my love and trust again, try your best because this time even though I admit that It's still you that I love, I will not waver unless I prove that you'll be badly smitten.

I will make sure that this isn't just your ego acting up.

I  faced him as I look intently in his eyes with a cold expression. I move closer to him and touch his jaw.

"Fine then Mr. Vandross."

After I said that, I didn't wait for him to response. Agad na iniwan ko siya sa loob ng restroom at hinahap na sa dagat ng mga tao si France.

Hindi ko na yata kayang magtagal pa rito. Matitrigger ang pagiging marupok ko.

~~~

Mental block is waving at me😭

Regaining Bonica's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon