Chapter 10

8 0 0
                                    

I spent my whole day with Key, Arthus and Marshall. We swam at our pool and do usual bonding stuffs like movie marathon and the likes. Hindi pa rin ako tinitigilan ni Key sa pamimilit na sumama sa palawan at hindi rin ako tumitigil sa paghindi sa kanya.

Ayokong sumama kasi nararamdaman kong may kakaiba talaga eh. Para bang, bonus na lang yung sasama ako para mag enjoy. It felt like they're up to something.

Nang maghapon at mukhang napagod na yata si Key, nagpaalam na sila upang umuwi.

"Bon, final na ba talaga na ayaw mong sumama? Baka magbago isip mo, mag pack ka na ng mga damit mo kasi mamayang midnight ang namin napiling umalis." Hirit pa niya.

Nagmamadali much te? Agaran naman kung makapagplano oh. Hindi pa pwedeng ipagpabukas nalang kasi private plane naman ni Arthus ang gagamitin. Bakit kaya kailangan pa na Midnight? Haynako ang arte ng pinsan ko.  Inismiran ko siya.

"Tigilan mo na ako Key. Walang makakapag bago ng desisyon ko."

Nakanguso niya akong tiningnan at pagkatapos, umalis na sila ng asawa niya. Naiwan ngayon sa harap ko si Marshall.

Malamig na tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Oh? Bakit nandito ka pa?" Tanong ko.

"Let's say that I will be asking you again to go with us in palawan." Nakangiting aniya.

Aba! Akala niya madadala ako sa ngiti niya. Siniswerte yata siya ah!

Loko kahit may nararamdaman ako sayo, ayaw ko pa rin.

"Alis na Marshall. Shoo! Go away!" Pagtutulak ko sa kanya patungong pinto upang lumabas na siya.

Natigil ako ng bigla siyang humarap at hinawakan ang magkabila kong balikat saka tiningnan akong maigi.

His expression was soft that I got curious why. Ikaw na nga tinulak tulak malambot pa rin ang ekspresyon mo.

"What?" I asked getting a bit awkward.

I don't want to be stared my him like this. It's making my heart flutter as if I'm a teenager crushing on someone.

"Nothing. See you later." Aniya saka nag iwan pa ng halik sa aking pisngi.

The heck? Tayo ba dude?

Imbes na mag daldal pa at mag reklamo ay nagdadabog na umakyat ako patungo sa aking kwarto.

"See you later." I mimicked his voice as I jumped towards my bed.

Maka see you later akala mo naman tinatanggap ko na ulit siya.

Gago baka pafall ka na naman ulit. Di ako maaaring mahulog agad sa patibong mo. Unfair yata yun no? Kaya kapag nahulog ako, dapat ikaw ang sasalo sakin Marshall hindi yung wala ka palang maibibigay kundi puro salita at paasa lang.

Nakaramdam ako ng antok kaya naman kahit na hapon pa lang ay hindi ko pinalagpas ang pagtulog.

I didn't know how long have I slept pero madilim na ng magising ako sa gutom.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas ng kwarto ko kahit nanlalabo pa rin ang paningin ko.

As I walk barefoot on the stairs towards the kitchen, I noticed that only the dim lights are on. It's very quiet and there was even no maids.

Anong oras na ba talaga?

I took a quick glance at the wall clock and saw that it was already 11: 45 pm. I blinked several times and checked the time again thinking that I was just mistaken but no. It's really 11:45 pm.

"Kainis naman! Wala man lang gumising sakin para kumain." Reklamo ko habang patuloy na naglalakad ng walang sapin sa paaa patungo sa kusina.

Naghanap ako ng maaari kong makain agad ng biglang may narinig akong mga mahihinang yapak kaya natigil ako sa paghahanap.

Subalit ng nawala ito sa aking pandinig ay agad na isinawalang bahala ko ito ngunit nakarinig naman ulit ako ng mahihinang yapak.

"Who's there?" Tanong ko saka hinarap ang gawing daanan patungong kusina. Nakaramdam ako ng kaunting kaba ng walang sumagot.

Ano ba to? Is someone tresspassing? Anong plano? Magnakaw oh pumatay? Tangina naman!

On second thought, in many years of staying here wala pa namang nakalusot na masasamang loob sa guards namin.

Ilang beses ko pang tinanong kung may tao ba dyan pero wala namang sumasagot.

Oh my fucking gosh!

"Sobrang gutom ba o kaya'y nalipasan ba ako ng gutom para mag hallucinate ng ganito?" Nagtatakang tanong ko at diretsong kumuha ng makakain upang initin.

Nang akmang bubuksan ko na ang microwave oven para initin ang pagkain ay naramdaman kong may taong mahigpit na ikinulong ako sa mga braso niya kaya naman ay nagpumiglas ako hanggang sa nakaramdam ako ng parang kagat ng langgam sa aking braso at panghihina.

Unti unting sumasara ang mga talukap ng aking mata ngunit nilalabanan ko ito at dalawang pigura ng lalaki ang aking nakita. Hindi nga lang malinaw sa kadahilanang dim light lang ang naka on at nanlalabo na ang aking paningin sa kung ano mang itinurok sa akin kanina.

At yun na nga, tuluyan na akong bumigay.

B L A C K O U T

Regaining Bonica's LoveWhere stories live. Discover now