Diary #1

45 1 0
                                    

Sinusulat ko lahat ng mga nangyayari sa pang araw araw dahil gusto kong kahit man lang sa mundo ng wattpad ma isawalat ko ang mga nasa isipan ko. Lahat ng mga pighati na nararamdaman ko ay dito ko ilalabas dahil walang sinuman ang nakikinig sa akin. 

Bolpen at papel ang tanging kasangga ko sa buhay sila ang naging karamay ko,  ang tanging saksi sa bawat pag agos ng aking mga luha .

Ang unan ang tanging paraan upang walang sinuman ang makakarinig ng mga halinghing ko.  Tinatakpan ko ang aking bibig para hindi mahalata na umiiyak ako.

Sa bawat pagpasok ko sa paaralan,  isa akong taong mapagbalat kayo dahil lahat ng mga taong nakasalubong ko tingin nila sa akin isa akong taong malakas at walang iniisip na problema.

Lahat ng mga kaibigan ko tingin nila sa akin wala akong pakialam pero hindi nila alam na buong puso akong nakikinig sa mga nararamdaman nila sa buhay.  Mahal ko silang lahat kaya lang yung iba tingin nila sa akin ang landi landi ko. 

Lahat ng mga heartbreak nila ako ang laging nandiyan sa tabi nila kinocomfort ko sila pinapangaralan sa mga bagay kung ano ang nakakabuti o hindi para sa kanila.  Hindi ko hinahayaang matulog silang may kinikimkim sa dibdib.  Kapag nasasaktan sila ako ang laging nakikinig at tanging yumayakap. 

Namuo sa aking isipan na hindi lahat ng mga taong nangangako sayong dadamayan ka ay nandiyan na talaga sila dadamay sayo.  Lalapit lang sila sayo kapag may kailangan. But if you need them they have many excuses and you can see their face not interested of what you said.  They will say to you "We are here, we will listen to your problems how nonsense it is!  What friends are for, right?" But if you are going to tell them they will neglect your attention.  How could I say my problems to all of you If you seems not interested of what I've said.

Mon DiaróWhere stories live. Discover now