Diary #2

19 1 0
                                    

Alam mo diary,  malungkot ako ngayon kasi wala kaming bigas at ulam simula kasi ng magkasakit si papa si mama nalang ang kumakayod sa aming pamilya.  May nakakatanda naman akong kapatid,  construction worker   kaya lang hindi sapat ang sahod niya sa loob ng isang linggo.  Tapos kapag may sahod na siya maliit lang ang kanyang ibibigay kay mama dahil bibili siya nang maiinom katulad nalang ng RED HORSE kapag lasing siya lagi niya kaming binubulyawan.  Nakakagago kasi diary ey. 

Tapos yung lola ko sa maternal side pansamantalang nakatira ngayon sa bahay namin, nababaliw na ako sa kakaisip kung anong ipapakain ko sa kanya na hindi bawal sa kanya kasi naman diary eyyy, tuyo lang at noodles yung ulam namin na bawal sa kanya. Nahihirapan na akong makita si mama na halos hindi na tumigil sa kakatrabaho dahil para may makain kami tatlong beses sa isang araw.

Kahit naman siguro ikaw diary kapag sinasabihan ka ng mama mo na wala na kayong pambili ng bigas at ulam tapos nakikita mo pang tutulo na ang luha niya masasaktan ka rin, maawa ka at makapag isip na sana makatulong ka nila sa Financial eyyy nag aaral pa naman ako ehhh. Nasasaktan ako kapag iiyak si mama sa sulok kakaisip kung ano ang gagawin.

Minsan diary nag aaway sina papa at mama dahil sa pera o di kaya'y sa gamot ni mama. May sakit si mama, diary. Kahit may sakit siya pilit pa rin siyang bumabangon araw araw para may pantustos siya sa pag aaral namin nang nakakabata kong kapatid na lalaki. Alam mo diary, gusto kong magalit sa sarili ko dahil bilang isang anak wala akong naitulong o naibigay na pera para hindi na si mama magtrabaho.

Diary, tulungan mo naman ako oh, please. Kahit isang yakap lang gusto ko lang iiyak lahat. Ayaw ko namang sabihin sa mga kaibigan ko ang sitwasyon ko dahil alam kong may iba't ibang problema rin sila sa buhay ayaw kong dumagdag pa.

Diary, gusto kong balang araw makatapos ng pag aaral para matulungan ko na ang mama ko. Ako na ang magbibigay sa kanya ng pera at nasa bahay lang si mama ko. Mahal ko mama ko diary kahit minsan nakakasakal na siya.

Hanggang kailan kaya kami maging ganito, diary. Kapag may sinasabihan ako ng mga problema ko sa buhay sasabihin nila sa akin na nag se-self pity ako. Hindi naman ako nag se-self pity diary ey! Gusto ko lang mailabas lahat pero parang masama pa ang dating para sa kanila. 

I was very thankful to my science teacher because she is always listening to my problems but you know what diary?  I always felt like I disturbed her everytime I talked to her.  No matter how bad and good my story is Miss Maelyn is listening to me.  I always prayed to God that blessed all the people to help me and encourage me everyday.  She is like an angel sent from above.  She is my inspiration in everything I do.  If I am a billionaire today,  diary I will offer it to her because she is more than a billions.  Her smiles that make my world shine. 

To you my dearest teacher.  I was very glad that you came into my life.  Thank you for being there for me when I was about to break down.  Thank you for giving me inspirational advices that I'm sure I can apply it in my life.

Mon DiaróWhere stories live. Discover now