Diary #5

4 1 0
                                    

Hello Diary its me again.  Hahahahahahahhaha na miss kita diary  hah.  Pero siya miss niya kaya ako hahahahaha asa pa more hahahahaha.  Umasa lang ako sa wala taena hahahahahahaha.  May sasabihin ako sayo, diary. Pag uwi ko sa bahay alam mo namang magulo ang paligid namin diba? Dahil sa mga taong ibat iba ang patutunguhan. Nadakip kasi ang anak ni Ate Naneth,,ang sabi kasi ng ibang kamag anak niya na may asset sa lugar namin hahahahaha taena diary magkamag anak sila pero hayyy naku.  Nakakapanghinayang kasi diary, ey.  Alam naman nating mali ang ginawa nila diba?  Pero mabait kasing tao yung anak niya eyy. Nagpapahiram yun ng pera kay mama nung walang wala kami. 

Yung boss ni mama at ang anak nito nagpapatayan dahil na rin sa kanya kanyang rason.  Diary,  napakagulo ng lugar na tinitirhan ko hahahahaha pero wala na akong magawa ey,  ganyan na kasi ang mga tao dun bago pa kami dumating.  Nasanay na ako sa bawat gulong nangyayari hahahahaha. Pero alam mo,  diary nagtatampo ako sa mama ko dahil nagpapasok siya ng mga taong gumagamit ng droga sa bahay na inuupahan namin.  Labis ang kabang nararamdam ko diary dahil may mga pulis na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto namin.  Akala mo madadamay kami pero mabuti nalang dahil mabait ang mga pulis na humuhuli sa kanila. 

Sa totoo lang diary galit din ako sa mga taong hinahanap ng batas bakit kapag may mga pulis na nagroronda sa amin sila magtatago like wtf?!  Paano kung madamay kami diba?  Paano kung ikulong nila mama ko paano na kami?  Natatakot ako diary pero dahil sa encouraging words na naririnig ko sa mga kaklase ko at sa guro namin na si maam Maelyn.  Nawala ang takot ko.  Binabalewa ko nalang ang mga nangyayari sa paligid ko diary.

Sa paaralan naman,  may nakapa akong galit at lungkot sa puso ko kapag nakikita ko teacher namin sa AP hahahahaha alam mo diary parang may galit siya sa section namin.  Hindi kasi siya nag didiscuss,  nagpapagawa lang siya ng report alam ko naman na science class kami pero hindi naman sapat yun para maiintindihan namin ang mga nakalagay na topic sa libro lalo na sa Economics sa totoo lang diary bobo ako sa subject na yan kahit anong pilit kong intindihin hindi pa rin papasok sa utak ko eyy. Hindi na ako magtataka kung mababa ang marka ko sa subject na yan.  Aminado na ako na mababa talaga kaya lang ma disappoint ang mga taong nagpapaaral sa akin lalong lalo na mama ko. 

Malaki pa naman ang tiwala niya sa akin na makakaya ko lahat ng bagay sa paaralan.  Natatakot akong sabihin sa kanila na mababa ang nakuha kong marka. 

May report pa akong ihaharap sa Miyerkules paano kong magtatanong siya na hindi ko alam anong gagawin ko?  Natatakot akong mababa na naman ang ibibigay niyang marka akin sa taong ito diary.  Masisira na talaga pangarap ko dahil sa subject na ito.

Mon DiaróWhere stories live. Discover now