Diary #7

2 1 0
                                    

Hi!  Diary its been a long time!  How are you?  I hope you're okay!  Aren't you gonna ask me if I'm okay?  Just kidding,  you know what diary! I have something to tell you. When I finished washing the dishes from the Mapeh Faculty room I decided to go home by foot. I walked with my headset on and music is playing by. Wala akong pakialam kung mainit ang panahon basta may musikang tumutugtog.  Habang naglalakad ako marami akong natamaang mga pulubi, tiningnan nila ako. Bawat isa sa kanila'y pamilyar ang mga mukha,  siguro nakita ko na sila kung saan di ko lang matandaan.  Sa aking paglalakad may mga kasabay din akong kapwa estudyante o di kayay mga taong kagagaling lang sa kanilang trabaho. Yung naunang naglakad sa akin may maraming bitbit ng mga ibat ibang klaseng pagkain,  ang sasarap pa diary!  Naglalaway ako sa sarap,  hindi lang pala ako kundi ang mga pulubi din!  Hanggang sa may isang batang lalaki ang kumuha nito at itinakbo ang mga pagkain.  Sa sobrang gulat sa nangyari,  hindi nakakibo ang may-ari.  Sinundan ko ang lugar kung saan ang daan na tinakbo ng batang lalaki,  pasikot sikot ang daan,  hindi ko matukoy kung anong daan ang pupuntahan ko, hanggang sa napadpad ako sa lugar na madumi,  mabaho,  may mga basurang nakakabit sa bawat alambre nito.  Maraming mga batang pulubi ang nakahiga sa malamig na semento, diary!  Mga matatanda na halos isang pitik ng daliri mamatay na!  Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa natuon ito sa taong kanina ko pa hinahanap,  ang batang lalaki,  napaiyak ako sa nakikita ko, ang pagkaing kanyang kinuha ay pinabigay niya sa mga batang buto't balat na!  Naramdaman siguro niyang may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya at nakita ako.  Nakikita ko sa mga mata niya na nagsusumamo na hindi sila sasaktan.  Sininyasan ko siya na sa labas ko siya kakausapin.  Alam mo, diary lubos akong naawa sa kanila.  Kaya pala doon sila natutulog dahil pinalayas sila sa lugar na kanilang tinitirhan.  Nagtatanong ako tungkol sa mga buhay nila,  diary!  Alam mo kung anong pinakamasakit na narinig ko diary!  Yung hinuhusgahan sila dahil sa estado ng buhay. Don't judge the book by its cover! Doon ko napatunayan diary na hindi lahat ng mga pulubi ay masasama. Na kahit pulubi sila may karapatan pa rin sila dahil tao lang naman sila. Umuwi ako, diary na may katanungang naiwan sa aking puso. Paano kaya kung ako ang nasa lugar nila? Kakayanin ko kaya yun, diary? Kahit naranasan ko nang tumira sa kalye hindi naman ako nakaranas nang ganon kahirap,diary. Sadyang may mga magulang din akong nagtatrabaho para may makain kami araw araw kahit sa kalye kami nakatira.

Kung mayaman lang sana ako diary sana natulungan ko na ang mga taong yun. I promised to myself that when I go back to that place I have a courage to let them stay in my place or village. I will let them experience that  they never had.

Mon DiaróHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin