ONE SHOT #2

29 1 0
                                    

POSSESSIVENESS

I have a boyfriend, his name is Steve. He‘s my ideal boyfriend.

One day, we were fighting. I was jealous on that day kaya nasigawan ko siya.

“E ikaw nga madaming kabit, nagdemand ba ‘ko?!” pasigaw kong tanong.

Nasapo niya ang noo niya. “Wala akong kabit. Don‘t change the topic. Hindi ka pwedeng lumabas nang naka..” Tinignan niyo ko sa paa hanggang sa mukha, “Petpet short at off shoulder,” pinal n‘yang wika na ikinainis ko lalo.

“Kasama naman kita ha! At saka anong petpet ka riyan, short lang ‘to!”

“Kailangan magmake-up? Sana nagbold ka na lang love kung ‘yan lang din susuotin mo, tss.” taas-kilay n‘yang saad.

At sa isang iglap, nawala ang inis ko.

“Ang cute mo, love,” ani ko habang tinitignan siya sa mukha.

“Eh?”

Nilapitan ko siya, “Ang sabi ko, ang cute mo.” I hugged him, “Para kang babae, love. May pataas kilay ka pa,” I said.

He hugged me back, “Gwapo kaya ako, sis,” aniya.

Napatawa ako sa sinabi n‘ya, “Tara na sis, samahan mo na ‘ko magmall–”

“No!”

Napanguso ako.

“Magpalit ka ng damit at burahin mo ang make up mo. No buts.” seryoso n'yang wika. Nasa'n na si sis? Hmp.

Padabog akong pumasok sa kwarto. Pero pagkapasok ko sa loob ng kwarto, napahawak ako sa puso ko‘t napangiti.

My boyfriend is possessive and I like it.

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now