ONE SHOT #8

10 1 0
                                    

KISS

Ngumisi ako nang makaisip ako ng paraan para inisin ang aking kaaway na si Gavin.

Kaagad ako tumayo sa pagkakaupo at naglakad na parang model papunta kay Gavin na busy‘ng-busy naglalaro ng ML.

“Hi, Avin, hahahaha!” Humagalpak kaagad ako ng tawa dahil sobrang laugh trip ang gagawin ko.

“Ano na naman?” iritado nitong tanong.

“May ‘di ka sinasabi sa ‘kin ha! Kaya pala inaasar mo ako, kaya pala lagi mo akong iniinis, kaya pala–” Nakalimutan ko ang aking susunod na sasabihin kaya‘t napasabi ako ng, “Kasi crush mo ako,” mayabang kong pagkakasabi.

Pero nakakahiya kasi mapapahiya ako.

Nangunot ang noo niya. “Eh? Pinagsasabi mo?”

“Hahahahaha! Tatanggi ka pa?” Tinaas ko ang kilay ko at namewang. “May ebidensya ako, kaya ‘wag kang mag-aano riyan!” dagdag ko pa.

Lalong nangunot ang noo niya. “Sino?”

“Secret walang clue. Hulaan mo.” pilosopo kong sagot.

Kasi wala naman akong isasagot. Pesteng yawa.

“Hindi ako manghuhula, Maricris,” aniya sa seryosong boses.

“Edi pahulaan mo sa manghuhula– POTANG!!” napamura ako bigla nang hapitin niya ang bewang ko.

Magkadikit na ang dalawang noo namin. Nagkatitigan kami, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nagkakarerahan.

Palapit nang palapit ang labi niya sa labi ko hanggang sa..

“Cut!” sigaw ng aming lider na si Chess.

Roleplay nga lang pala ‘to para sa Filipino. What a bwesit.

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now