ONE SHOT #5

10 1 0
                                    

BOYFRIEND KONG COLD

Alam niyo 'yong feeling na ang sarap kotongan 'yong boyfriend mo kasi 'di marunong kiligin. Liek, mahal mo ba talaga ako?! Mygosh, hindi ko pa siya nakikitang namumula dahil sa kilig. Ang sarap magtampo pero hindi ako marunong magtampo nang matagal. Sinong susuyo sa 'kin, ha? Edi siya, suntukan ko kaya siya 'pag 'di niya 'ko sinuyo, grrr. Siya na ang pinakacold na lalaking nakilala ko.

Nagplano ako, hindi ko siya papansinin ng 5 hours. At please self, sana magawa ko. Since we're living together, magagawa ko 'yon.

"Have you eaten, Aemi?" malamig na tanong ni Michael, boyfriend ko.

Hindi ko siya pinansin.

Umupo siya sa sofa. Tumabi naman ako sa kan'ya. Hindi ako nagsalita, itinikom ko ang bibig ko.

"Is there a problem?" tanong niya. Hindi ko pa rin siya pinansin. I wanna talk to him so bad na, pero bawal. Gusto kong bumawi, dzuh.

"Parang tanga ka, Aemi. Pansinin mo na lang ako hindi 'yong tingin ka nang tingin sa 'kin tas ngunguso, pftt." sambit niya.

Lalong humaba ang nguso ko at walang sabi-sabi na niyakap siya. "Namiss kita, huhu,"

"Ok," tugon niya.

Muntik na siyang mahulog sa sofa. "Lumayo ka sa 'kin, nagdidilim ang paningin ko!" inis na inis kong wika.

ANG COLD TALAGA! Sabi ko, "I miss you." Pero sagot niya, "Ok". Mahal ba talaga ako nito?!

"Why? Anong ginawa ko?" tanong niya na parang wala siyang ginawa.

"B'wesit ka, ang sarap makipaghiwalay sa iyo!" singhal ko. Biglang nawalan ng emosyon sa mata niya. "Makipaghiwalay sa 'yo ng 1 hour tapos 'pag 'di na ako galit, balikan na tayo!!" pagtutuloy ko sa sinabi ko.

"Ang cute mo, haha," aniya at pinisil ang mukha ko. Feel ko, ang init-init na ng mukha ko dahil sa kilig. Owemji, marupok.

Niyakap niya 'ko bigla kaya nagulat ako. Keleg keleg na naman ako.

"Ba't ka galit?"

Niyakap ko siya pabalik, "Hindi ako galit, tampo lang. Katampo ka kasi 'di ka kinikilig sa mga banat ko, 'di mo yata ako mahal."

"Sinong may sabi?"

"Mamamu, charot. Walang nagsabi, feel ko lang tas nakikita ko."

"Pfttt, I do kilig kaya."

"Really? Whenever I bato a banat on you, you're just shrugging!" pagpoprotesta ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa harap ng dibdib niya. Naramdaman ko puso niya, tumitibok nang mabilis.

"Kapag sobrang bilis ng tibok ng puso ko, kinikilig ako, at dahil sa iyo 'yon." saad niya.

Napangiti naman ako, "I love you!"

"I love you too,"

"May sasabihin pala ako,"

"Ano?"

"Pupunta ako sa ano, sa ano, sa ano--"

"Sa ano?"

"Sa puso mo!!!"

Agad kong tinapat 'yong kamay ko sa tapat ng dibdib niya.

"OMG, kinikilig ka? Ackkkk!!"

Parang tanga ako mabaliw.

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now