ONE SHOT #6

9 1 0
                                    

STILL INTO HER

Mayroon akong boyfriend, ang pangalan niya ay Mheyor. Mag-iisang taon na kami sa susunod na buwan.

Magkasama kami ngayon ni Mheyor at ng mga tropa niya. Syempre yung mga tropa niya, tropa ko na rin. Nagyaya yung tropa ni Mheyor kaya umiinom sila ngayon. Hindi ako pinayagan uminom in Mheyor kaya tamang juice lang muna ako. Hindi na ‘ko umangal dahil ayaw kong malasing. Binabantayan ko na lamang si Mheyor na todo tungga.

Maya-maya, lasing na si Mheyor. Kung ano-ano na ang pinagsasabi.

“Nicole, kailangan mong malaman at makita si Mheyor na ganito kasi to be honest, kami yung naaawa at nasasaktan sa ‘yo,” ani ni Jace, yung isang tropa namin.

Kinabahan ako sa sinabi niya. “Hoy wala akong oras sa prank niyo, lasing pa naman si Mheyor!”

Tinignan nila ako na mukhang naaawa kaya natihimik ako.

“Be ready na lang ha, nandito lang kami, Nicole,” sabi ng isang tropa namin tapos nginitian nila ako.

Kinakabahan na talaga ako.

Maya-maya, lasing na lasing na si Mheyor tapos yung tropa namin, tinititigan lang si Mheyor kaya nilapitan ko si Mheyor.

“Baby, uwi na tayo, lasing ka na–”

Pinutol niya yung sasabihin ko. “Jade? Ikaw ba ‘yan?” Niyakap niya ako ng mahigpit. As in. “Miss na miss na kita, Jade. Miss na miss,” sabi ng boyfriend ko sa ‘kin.

Tumingin ako sa mga tropa namin na mukhang naaawa. “J-Jade?” I mouthed.

Tapos tumango sila.

Napaiyak na ako. Hindi kasi ako si Jade e, ako si Nicole, yung girlfriend niya. Si Jade naman yung ex niya na hindi niya pa pala limot.

Binitawan ako ni Mheyor saka hinarap sa kanya. Hinawakan niya yung mukha ko. “Mahal na mahal pa rin kita, Jade. Alam mo ba ‘yon? Lagi kitang iniisip kung kumusta ka na, kumain ka na, okay ka lang ba, kung binubugbog ka pa ba ng Papa mo. Kung sinasaktan ka ba ng bago mong boyfriend..” ani Mheyor.

Gusto kong humagulgol. Gusto kong magwala. Gusto ko siyang saktan pero nanatili akong nakatayo, pinagmamasdan siya, pinapakinggan siya kahit ikakasakit ko pa.

“Mheyor..” tinawag ko siya.

“Yes, hon? Babalikan mo na na ba ako? Kung oo, iingatan na kita, promise. Just please, give me a one chance and I‘ll prove it to you, please hon... I‘m begging..”

Durog na durog na yung puso ko. Paano pala ako? Paano pala yung puso ko? Yung feelings ko? Yung oras na sinayang ko? Paano?

“Mheyor, paano si Nicole? Paano siya?” tanong ko sa kan‘ya, tinutukoy ko ang sarili ko at nagkunwaring ako si Jade na sana ako na lang talaga.

“Nicole? Iiwan ko siya, h-hindi ko naman talaga siya mahal kasi ikaw talaga ang mahal ko..” aniya, lumuluha.

Umiyak na siya sa sobrang sakit.

Paano naman ako ‘diba? Pinagmukha akong tanga ng taong mahal ko. Matatanggap ko pa na mahal niya pa yung ex niya pero hindi ko matatanggap na niligawan niya ‘ko, nagpakilala siya sa mga kaibigan ko, nagpaalam siya sa magulang ko tapos ginago niya lang ako.

Gago ang sakit. Ang sakit magamit. Ang daya ng tadhana, ako pa talaga yung ginago.

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now