ONE SHOT #4

14 1 0
                                    

PA, KAMI NA

Humagikhik ako nang makita ko ang post ni Star Writes na naglalahad na prinank niya ang Mama niya na sila na ng crush niya, at support naman siya ng Mama niya sa kaharutan niya.

Gawin ko rin kaya? Prank lang naman e', walang katotohanan.

Kaagad akong tumayo at inayos ang sarili. Pumunta ako kay Papa na busy kanonood ng basketball.

"Pa, may sasabihin ako," panimula ko.

Tumango si Papa, hudyat para sabihin ko na kung ano man ang sasabihin ko.

"Pa, 'wag ka po magagalit ha! Kasi Pa, yung anak ng kapit-bahay natin, kami na Pa." Humawak ako sa dibdib ko, kinakabahan.

Hindi manlang nagreact si Papa sa sinabi ko.

"Pa, kami na. Hindi ka magagalit? Sure na 'yan? Weh? Kahit itanan niya 'ko? Kahit--"

"Anak, mahal kita pero tama na. Tama na ang pag-aasume na kayo na ng pogi nating kabit-bahay kasi una sa lahat, walang anak na pogi yung kabit-bahay. Sunod, walang lalaki roon. At isa pa, wala tayong kapit-bahay! At huli, wala kang jowa!" pagsasampal niya sa 'kin sa katotohanang single na 'ko forever.

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now