Chapter Twenty-one

7.8K 280 30
                                    

"Bye, Gen!" napatingin ako kay Kath. Kumaway pa ako sa kanya at ngumiti bilang pamama-alam. Hindi ko mapigilang pansinin ang bitbit niyang bouquet ng bulaklak.

Valentine's day ngayon at lahat na yata ng nakikita ko sa paligid ay bulaklak. Hinihintay ko ngayon si Liam dahil wala raw siyang date kaya kailangan niya ang "unofficial wife" niya. Well, wala rin naman akong date so um-oo na lang ako. Anyway, free food is life.

It's been a month simula nang mag-celebrate kami ng birthday ko sa bahay niya sa Tagaytay. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang gabing 'yun.

Not because I felt so jealous over Mica and Liam but because of their conversation that I overheard.

I can still remember how Mica told him to stop being so flirty with me. Ayaw niya raw na masaktan ako kung sakaling mahulog ang loob ko kay Liam. What she didn't know is... I already did. I already fell from him.

Napabalik ako sa kasalukuyan nang may bumusina sa harap ko. Nang tingnan ko ay sasakyan 'yun ni Liam. Lumapit agad ako para sumakay. Ngumiti siya sa akin pagkasakay ko kaya naman nginitian ko rin siya.

"Saan tayo?" tanong ko.

"My resto. Nagpa-reserve ako ng table for us," nakangiti pang sabi niya.

"Himala, magse-settle kang ako kasama ngayon?" natatawang sabi ko. "Considering na Valentine's day. Shouldn't you be with your girlfriend?" sabi ko.

Nagkibit siya ng balikat.

"We broke up two days ago," aniya.

Napa-iling na lang ako. Ang tinutukoy niya ang ang latest fling niya na supermodel. Naalala ko pa kung paano akong na-insecure nang makita ko ang babae. Di sinasadya kasing nakasalubong ko sila noong nakaraan.

Tinignan ko si Liam habang nagda-drive siya at hindi ko mapigilang maalala ang naging sagot niya kay Mica sa Tagaytay noong birthday ko.

"Don't worry too much, Mica. I don't have any romantic feelings for her. She's just a friend to me. I'm just too comfortable with her and she with me. We won't cross that line."

Di ko namalayan na tumulo ang luha ko nang mga oras na 'yun. Buti na lang at walang nakapansin sa kanila nang makita nila ako pagkatapos.

"We're here," biglang sabi ni Liam na nagpagising sa lumilipad kong utak. Tumawa siya bigla. "Why are you looking at me like that?" aniya pa.

Umiwas agad ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong tingin ang sinasabi niya pero mabilis na nag-isip ako ng idadahilan.

"Iniisip ko lang kung bakit ang daming patay na patay sa'yo. You're not that handsome, dude. Mas guwapo pa si Xander kahit na mukha 'yung zombie," sabi ko sabay tawa.

Tumingin siya bigla sa labas ng nakatigil niyang sasakyan bago bigla na lang dumukwang sa akin. Nagulat ako dahil halos iisang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.

"Take a closer look, Gen," aniya saka pilyong ngumiti.

Siya na mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko habang nakadukwang pa rin. Mayamaya ay umayos na siya ng upo.

"Let's go," aniya saka bumaba ng sasakyan.

Doon ko lang napansin na wala kami sa tapat ng resto niya kundi sa isang flower shop.

Sumunod agad ako sa kanya sa pagpasok niya roon.

"Good afternoon, Sir!" masiglang bati ng isang staff doon. "Para po sa girlfriend niyo?" tanong niya saka malapad ang ngiting tumingin sa akin.

Tumango si Liam.

"Yes, please. Make her the prettiest bouquet," ani Liam.

Napatulala naman ako sandali sa sinabi niya. Hindi ko akalain na dadalhin niya ako roon para mabilhan ng bulaklak.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon